“Skye, halika dali!”
Nagmamadali siyang lumapit kay Maecel ng tawagin siya nito, “Bakit—“ hinila siya agad ng dalawa ng makalapit siya.
“Alam mo na ba ang kumakalat na balita? Si Sir Adius daw nakitang may ka-date kahapon sa Luneta park!” Tiling sambit ni Raechel na may kasama pang paghampas sa braso niya.
‘May nakakita sa amin kahapon ni Adius?’
Oh no!
Tumikhim siya bago nagsalita, “Baka naman tsismis lang… alam niyo naman ngayon, nagkalat na ang fake news,”
“Hindi ito tsismis, Skye! Totoo talaga ang sinasabi namin sayo! Heto, tingnan mo!” Nilabas ni Maecel ang cellphone at pinakita sa kanya ang mga stolen shots nila ni Adius kahapon.
Marami silang kuha na magkasama ni adius. Si Adius ay napaka-gwapo sa lahat ng mga litrato, samantalang siya, may kuha na ‘nakatingala at halos labas ang ngala-ngala habang tumatawa. May nakaharang ang mga buhok sa mukha at tanging ilong lang ang kita. May kuha pa na muntik siyang madulas ngunit nakaharang ang malaking kamay ni Adius sa