Panay ang tulo ng luha ni Miss Carol habang nakatingin sa mga libingan ng mga katulad niyang tauhan ng pamilya Helger. Karamihan sa mga nasawi ay ang mga tauhan na hindi marunong gumamit ng armas, o baril.
Katulad nila Karlo.
“Tumahan ka na, Carol. Wala na tayong magagawa pa. Masyado akong naging kampante na hindi magta-traydor ang anak ni Gerry sa pamilya namin. Kung nakinig lamang sana ako kay Xerxes.” Wika ni Axel. Pinabulaanan na siya ng kanyang apo subalit hindi siya naniwala at nakinig. Akala niya ay pinagseselosan lamang ito ng kanyang apo.
“N-Ngayon lamang nangyari ang bagay na ito pagkalipas ng labing pitong taon. Hindi ko man lang nailigtas ang mga kaibigan ni Mrs. Helger, tiyak ako na napakalungkot niya ngayon. Nag aalala ako kung maayos ba ang lagay niya ro’n… kamusta na kaya sila doon ni Xerxes?”
Hindi mapigilan ni Axel ang mag alala kay Apol. Para sa kanya ay parang apo na rin niya ito. Nang una niya itong makilala ay nagustuhan agad niya ito. Nahulaan din niya na espes