Ngayong araw ang balik nila ni Adius sa trabaho. Malaki na ang pinagbago ng set-up nila ngayon. Kung noon ay umiiwas siyang malaman ng lahat ang pagiging fiancee ni Adius, ngayon ay hindi na. Taas-noo pa nga siyang naglalakad papasok. Mukhang kumalat na sa lahat kung sino siya, gumalang kasi ang lahat ng empleyado na nakakasalubong niya.
“Rachel! Maecel!” Tawag niya sa dalawa ng makita ito. Pero imbes na lapitan siya ng dalawa ay magalang na yumuko sila na parang takot.
“M-ma’am Malason, ikaw pala. M-may kailangan po kayo?” Utal na tanong ni Rachel.
“P-pasensya na po pala sa mga sinabi namin noong nakaraan,” sabi naman ni Maecel.
Bumuntong-hininga siya. Alam niyang nagulat ang dalawa pero hindi niya akalain na kikilos sila nang ganito. Daig pa niya ang nakakatakot ba boss at hindi nila kaibigan.
“Ano ba kayong dalawa. Ako pa rin ito, si Skye, okay? Kung makareact naman kayo diyan parang hindi tayo magkakaibigan,” may tampong sabi niya. Umakbay siya sa dalawa na ikinaiktad n