[Apol]
Kanina pa niya hinahanap si Kulane pero hindi niya ito makita. Napansin niya na madalas itong mawala. Saan kaya nagpupunta ang lalaking ‘yon? Mahigpit na bilin ng kanyang ama na bawal siyang lumabas nang walang bantay kaya naman kahit gusto niyang lumabas ay hindi maaari. Saka nagkalat ang mga bantay, baka mahuli siya kapag lumabas siya ngayon.
Mabilis na naupo siya ng magising. Nakatulog siya sa kahihintay kay Kulane. Tumayo siya at pumasok ng bathroom, ihing-ihi na kasi siya. Gano’n nalang ang tili niya ng pagbukas ng banyo ay tumambad sa kanya si Kulane na nakahubâd.
“Ano ba?! Hindi ka ba marunong maglock ng pinto? Saka bakit dito ka nakiki-banyo sa kwarto ko?!” Handa na sana siyang dakdakan pa ito ng bunganga niya ng mapatingin siya sa dibdib nito.
May tattoo…
Walang pilat? Teka, ang sabi nito sa kanya ay buong katawan nito ang may pilat? Pero sa nakikita niya ngayon ay wala. Nagsisinungaling ito?
Nang tumalikod ito sa kanya ay nakita niya ang maputi nitong pwèt na wala rin