[Apol]
Naningkit ang mata niya ng makita si Xerxes na may kausap itong babae. Sino ito? Mukhang hindi ito isa sa mga kasambahay dito sa mansion.
Nakasuot ito ng maikling blue skirt at sleeveless white shirt. Lagpas tenga ang haba ng kulay pula nitong buhok. Maganda ito— Magandang ipakain sa mga pating.
“Ma’am Apol!” Humahangos na tawag sa kanya ng babaeng bantay niya. “Ang bilin ng daddy mo bawal kang lumabas ng kwarto—“
Natahimik ito ng makita na hindi maganda ang kanyang mood. Lumapit siya sa dalawa. “Hoy, Kulane. Aba, kaya pala hindi ka na bumalik dahil may babae ka palang kasama.” Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang babae.
Hindi kagandahan. Pula ang buhok, mukhang manok na pula ang dating… flat ang dibdib, walang pwét, malaki ang mata, makapal ang nguso.
Tinaasan siya ng kilay ng babae. “Excuse me ha, sino ka ba?” Humarap ito kay Kulane at nag-sign langguage, pagkatapos ay saka ito muling tumingin sa kanya. “Huwag mo nga kaming istorbohin ng nobyo ko—“
“Ano?!!!!” Nanlalaki a