[Apol]
Tatlong araw na ang nakalipas mula nang umalis ang mag amang Choi. Hindi na nagpakita pa si Xerxes.
Walang kabuhay-buhay na naglalad siya kasama si Daniela pabalik sa kwarto niya. “Ma’am Apol, parang ang tamlay mo, hindi ka rin kumain ng maayos. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba gawan kita ng tea?”
Nang tumango siya ay agad na umalis ito. Mukhang kampante na ito na hindi siya tatakas. Iniisip marahil nito na takot siya sa ama niya.
Siya matakot sa matandang kokey na ‘yon? Mas matatakot pa siya sa multo nila Ester at Rima, eh.
Ano kaya ang ginagawa ng asawa niya ngayon? Subukan lang talaga nitong haluan ng landian ang plano, malilintikan talaga ito sa kanya.
Naningkit ang mata niya nang makita si Jem. Agad niya itong nilapitan at tinanong. “Si Kulane?” Tanong niya. Napansin niya na nagpapalinga-linga ito sa paligid.
“Hinahanap ko rin siya. Tatlong araw na kasi siyang hindi nagpapakita sa akin.” Magalang na sagot nito bago umalis. Simula nang malaman nito na anak siya ni