Hindi agad natapos ang celebration, pagkauwi ay nagtipon-tipon pa ang lahat kasama ang kuya Jhake niya. Nagtatalo pa nga sila tita Alena at tita Apol kung lalaki o babae ang magiging anak nila ni Adius. “M-masaya si Jhake para sa ate niya! M-masayang-masaya si Jhake!” Pumapalakpak pa na sabi ni Jhake sa kanya. Ayaw niya sana maging emosyonal pero biglang umiyak ang kuya niya. “Kapag na-nawala si Jhake hindi na malulungkot si ate!”
Naging emosyonal siya ng marinig ang sinabi nito. “Kuya naman wag kang magsalita ng ganyan,” lumapit siya dito at yumakap dito, “hindi ka mawawala kuya… hindi,” kontrolado niya noon ang emosyon niya pero ngayon ay hindi niya nakontrol ito. Siguro dahil sa hormones niya kaya patuloy siya sa pag-iyak. Naramdaman nalang niya na yakap na siya ni Adius mula sa likuran.
“Calm down, babe. Kapag umiiyak ka o malungkot, ganon din ang baby natin. Kaya tumahan ka na.” Sabi nito. Umiiyak na tumango siya at gumanti ng yakap dito. Kasama na ngayon ng kuya niya si Que