“Adius, anak… kailan mo balak sabihin kay Skye ang tungkol sa kuya niya?” Tanong ng mommy niya.
Bumuntong-hininga siya. May taning na kasi ang buhay ng kuya ni Skye, at ayon sa doktor ay baka tumagal na lamang ito ng tatlong buwan. Kaya naman nagpahanap agad siya ng magaling na doktor para madugtungan pa ang buhay nito.
“I don’t know, mom. Hindi ko alam kung kaya ko ba itong sabihin sa kanya. Mahal na mahal niya si Jhake, sigurado ako na masasaktan siya. Saka buntis siya, nag-aaala ako na baka magdulot ito ng hindi maganda sa anak naming dalawa.”
Malungkot na umupo ang mommy niya sa upuang nasa harapan niya. “Naaawa ako kay Skye, anak. Sigurado na masasaktan talaga siya kapag nalaman ito. Pero hindi mo ito pwedeng ilihim sa kanya. Kailangan niya itong malaman kahit masakit pa. Kahit ako man din ay nalulungkot para kay Jhake, naging malapit din siya sa ating pamilya sa maikling panahon. Pero she needs to know about his brother, anak…”
“Pero ayokong ikasal kami ng malungkot siya,