[Apol]
Daig pa niya ang zombie na naglalakad, wala siya sa sarili at talaga namang napakabigat ng dibdib niya. Tama nga si Johnson, wala nang Pilipinas si Xerxes, nasa ibang bansa ito kasama si Lolo Axel, iyon ang sabi ng isa sa tauhan nang asawa niya.
Matulin na dalawang linggo ang lumipas. Nag aalala na ang nanay niya sa kanya dahil hindi na siya halos natutulog at kumakain. Madalas siyang maabutan nitong umiiyak. Sinubukan naman niya na maging matatag, sinubukan niya na kalimutan si Xerxes pero hindi niya magawa. Hinahanap-hanap ito ng puso at isip niya.
Siya si Apol Lanchester! Kahit na masaktan siya ng paulit-ulit at itulak palayo ni Xerxes ay hindi siya magpapatinag! Kung inaakala nitonna bibigay siya nang gano’n gano’n lang, pwes mali ito.
Nginitian niya nang matamis ang lalaking kaharap. “Pedro, nakakahiya naman at nag abala ka pa. Pero salamat dito sa mga bulaklak ha. Ang generous mo naman!”
“Para sa’yo kahit bulaklak sa buong mundo kaya kong ibigay sa’yo!” Iminuwestra pa nit