Chapter 2 (11) The King of Arrogance
(Secretary Taki POV)
Lumapag sa rooftop ng Main building ng kompanya ni Master Nathaniel ang chopper na siya ang lulan nito. Nakahelera kaming naghihintay sa kanya. Kaagad itong bumaba at lumapit ako sa kanya. Mahahaba at mabibilis ang bawat lakad nito na nakasanayan ko na din sabayan ito. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig hangang sa makarating nga kami sa opisina nito.
Diretso sa kanyang upuan saka napatitig sa akin.
“May ipapagawa ako sayo.” Nakikinig lang ako sa kanya. Alam kong personal sa tuwing ganito ang kanyang auwra. “May babaing bigla na lang sumulpot sa bundok kung saan inilibing ang aking ina.”
Babae? Malinaw ang sinabi niyang babae diba? Hindi ako makapaniwala na bibigkasin ang salitang yun ng kanyang labi.
“Sinabi niya, isa din siya sa biktima ng arrange marriage.” Heto ba yung dahilan kung bakit nagtanong siya tung