Chapter 3 (3) Ugliness, Behind the Queen Successful Family
(Nathaniel POV)
Inilapag ni Secretary Taki sa harapan ko ang mga larawan ng babaing akala niya naroroon ang tinutukoy ko. Ngumisi ako sa kanya, at lahat nang yun pinalipad ko. Natural na alam nito ang sagot ko. Napayuko na lamang ito at napasandal ako sa upuan.
“Talagang walang bumisita sa puntod ng aking ina? Nangako ang babaing yun.”
“Maghapon at magdamag na nagbantay ang dalawang tauhan ngunit wala silang nakita ni aninag ng anino, Master Nathaniel.”
Naipikit ko ang aking mga mata at napahilot ng sintido ko. “Sigurado ka bang walang casualties sa nangyari?”
“Kumpirmadong wala.”
Pinalipas ko ang ilang minuto na hindi ako nagsalita. Di ko sigurado kung may nangyari ba sa babaing yun o wala. Ngunit para saan at pinapahanap ko ang babaing yun? Upang tulungan na pigilan ang kasal n