Chapter 3 (4) Ugliness, Behind the Queen Successful Family
(Sera POV)
Nang umalis na si Secretary Taki, kaagad kong nilagay sa isang flower vase yung bulaklak. Sayang naman kung matutuyo diba? Ngunit nagmamadali ako kasi, nais kong bumalik kaagad sa inaasikasong mga bata nila kuya Ruel at Dad.
Ayan. Perfect. Ito ata ang unang bulaklak na tinangap ko galing sa isang lalaki kasi never akong tumangap ng bulaklak sa mga nagbabakasakaling pumayag ako na manligaw sila sa akin. Sa no choice naman ako.
Napasilip ako sa pintuan, at may mga tauhan na nakabantay. Hangang sa nahuli ko nga yung bantay na parang puyat na talaga, at kailangan na nitong maka-idlip kahit nga nakatayo. Nakangiti pa nga akong lumabas ngunit dahan-dahan lang. Hangang sa namalayan ko na lang naririto na ako sa loob ng elevator. Nang bumukas ang elevator, agad na sumiksik ang mga sumakay at napatabi na lang ako. Bahagyang iniyuyuko ang paningi