Chapter 6 (2) She Disappear like a Bubble
(Sera POV)
Kahit anong mangyari hindi ko sinabi kay Kuya Ruel kung taga saan nga si Kuya Ano. Sa nadamay lang nga siya sa kaguluhan na ako naman talaga yung naging careless. Baka ano pa ang mangyari na hindi ko inaasahan. Baka mailagay ko pa sa panganib ang buhay ni Kuya Ano. Saka na lang… Kuya Ruel, ku-kung buntis nga ako. Ngunit sa ideya pa lang na mabubuntis ako nito, para akong mahihimatay. Ma-may kakayanan ba si Kuya Ano na panindigan ako? Diyos ko po… Ano itong gulo na ginawa mo Sera sa buhay mo.
Dahil ayokong magsalita, napilitan si Kuya Ruel na tawagan ang tauhan niya sa probinsya na alamin kung saan nga ako nagpupunta at kung sino ang nakakita sa akin na may kinakasamang lalaki. Kilalanin nga kung sino si Kuya Ano.
Pero natigilan ako ng… Paano na kung si Kuya Ano mismo ang maghanap sa akin? Diyos ko po Kuya Ano?! Wag! Wag na wag mo akong susubukan na hanapin. Please lang. Maawa ka sa sarili mo.
Kahit pinanlalamigan na ako sa mga t