Maria's POV
"I promise you, Maria, kakalimutan ko ang lahat ng ginawa mo basta tapusin na natin 'to." Matiim na ang titig ng binata sa kanya nang gagapin nito ang kamay niya. "Ipinapangako ko, makakapag-aral ka pa rin sa school na pag-aari ko at tutulungan kita sa finances na kakailanganin mo basta 'wag ka nang pumayag sa mga plano ni Jacob." Binitawan nito ang kamay niya nang matameme siya. "There's something with that, Jacob, about why he's doing this. I'm still figuring it out, but I'm getting close to the truth."
It seems too good to be true. Napakaganda ng offer nito. Hindi siya makapagsalita halos kaya mabilis na lang niyang dinampot ang tissue at pinahiran ang bibig. Paalis na sana siya nang pigilan siya ng lalaki. Hindi niya alam kung sa'n lulugar; gusto niyang makawala kay Jacob dahil minsan, nakukunsensya na siya sa kabila ng malaking galit niya kay Benjamin pero sa kabilang banda, nananaig din ang pagiging mabuting tao niya. Alam niyang may kasalanan siya kung ba't nawal