He calls it madness, but she calls it love. When intense attraction struck them both in the dark after being trapped in a small cave during a raging tropical storm, he pursued her without inhibitions, turning their whirlwind romance into a tragic mistake in the end. He is the educated businessman and the hunk, while Maria, the illiterate, fat-ugly maiden, is his total opposite. A terrible choice that resulted in a forced marriage was made between them when everyone thought she was his victim. Makakawala pa ba siya sa isang kasalang pwersahan kung sa pagsapit ng liwanag, kapangitan, at katabaan ng babae ang lumantad sa kanyang mga mata? Nagkamali siya ng desisyong maging katipan ito nang ura-urada nang masilayan ang tunay nitong anyo. Hindi ito ang ideal wife niya. "Woman, if it means saving my life, I'll wholeheartedly marry you!" He snorted when he realized he couldn't blame her for it. "You have no idea how much I hated this forced marriage kahit walang namagitan sa'tin kagabi." "Pero Benjamin—" Naiiyak man, abot hanggang langit naman ang pasasalamat ng dalaga sa pagpayag niyang maikasal sila. "Papakasalan kita dahil ikaw ang katuparan ng pangarap ko. Hulog ka ng langit kagabi. Hindi ka na makakawala kahit ano pang sabihin mo dahil ikaw—ikaw ang itinadhana para sa'kin."
View MoreHindi niya inalintana ang kulimlim ng panahon kanina dahil maaliwas na muli nang tingnan niya ang paligid. As a sports enthusiast, skydiving is one of the sports he loves to do twice a month. Hindi pa man siya nakakatalon, he already felt the rush of adrenaline when he positioned himself. He's all set!
"Here I come!" malakas niyang hiyaw nang pabulusok siyang tumalon sa kalawakan.
Malakas na hangin ang agad sumalubong sa kanya sa pagtalon niyang iyon. Suot-suot na rin niya ang skydiving googles para may proteksyon ang mga mata niya pero nairita lang siya nang tila paglaruan naman ng hangin ang bunganga niya. Bumukas-sara ito na ikinainis niya sobra.
"Hell!" hiyaw niya bigla pero sinundan niya ito ng malakas na tawa. "Daaamn, I'm loving thiiis!"
Kitang-kita niya ang view sa baba na nagmistulang tuldok na sa paningin niya. Napakaganda nito. May tracker din siya kung saan magla-landing mamaya. Sa napag-usapang lugar sila magkikita-kita na mag-buddy in the time they set. Mga kaibigan lamang niya ang kasama niya at malimit nila itong gawin para makatakas naman siya panandalian sa hectic schedules niya. Stress reliever niya ito, and he will never get tired of it despite of his busy schedules.
"Yeah, baby!" Sumama lamang sa hangin ang hiyaw niyang iyon. "C-common, guys." Hiyaw niyang muli nang mag-perform pa siya sa ere. "You can't beat me!" Nakangisi niyang sigaw nang makitang nag-exhibition din ang mga kasama kasabay niya.
This may be intimidating to others but the hell he care, this is his most favorite hobby and was included in his to-do list. Lagi nila itong ginagawa, and if someone could only see them performing like this, they will surely enjoy watching the exhibitions. Pero siyempre, siya ang pinakamagaling sa lahat. Ilang awards na ba ang nakuha niya pero isang laro lang ito sa kanya. Minsan na siyang sumali as representative ng bansa pero dahil mas priority niya ang business niya sa Manila, ginawa na lang niyang past time itong skydiving.
Papalapit nang papalapit ang mga kasamahan niya sa direksiyon niya kaya napangiti siya. Tumataas ang energy niya dahil sa thrill ng ginagawa nila. They immediately formed a circle and hold each other before they laughed. Bumitaw sila sa isa't-isa matapos gawin iyon. He spread his arms wide and close his eyes to enjoy it more before he shouted again.
"This is cool!"
It's 18 feet above the ground.
A 90-second free fall.
The sun hit his face before he changed his direction. When he released the rip-cord, he decided to enjoy his flying a bit longer. He's enjoying the view but still want to explore before meeting his buddies. Maaliwalas ang panahon ngayon kaya masarap gawin itong sport activity niya. Napangisi siya nang lumiit nang lumiit ang hugis ng mga taong kasa-kasama niya kanina. Iba-ibang direksyon na ang tinatahak ng mga ito but to his dismay after more minutes, the wind got stronger dragging him to opposite direction.
"W-what's going on?" hiyaw niya pero malayo na ang mga kasamahan niya sa kanya nang tingnan niya. Gusto niyang magmura pero wala naman itong silbi kaya sumigaw na lang ulit siya. "You're nothing," hiyaw niya patungkol sa hangin dahil never pa siyang na-fail; dahil isa siyang bihasa.
Pilit niya itong nilabanan pero ang hangin, pinapahirapan siya nito sobra. Napailing siya nang paulit-ulit nang magpatianod na lang siya kung saan man siya dalhin nito. Diyata't biglang lumakas ang hangin? Naging hindi ito pangkaraniwan sa kanya. Bigla na lang sumama ang panahon at ang kalangitan, hindi na ito kagaya kanina na matiwasay. Hindi niya ito inaasahan. Unti-unti nang dumidilim ang paligid na ikinabahala niya. Kailangan na niyang mag-landing sa baba dahil sa pagsusungit ng panahon. Though he's fearless naman, iba ang nakikita niya sa kalangitan dahil sa biglang pagdilim nito. Isa itong sign na kailangan na niyang magmadali para makarating sa baba.
Isang small island ang kanyang nakita sa baba na may kalayuan din sa kung sa'n siya nanggaling kanina. Ito na ang napili niya pansamantala kaya muli niyang pinihit ang hawak na cord para umiba ang direksyon niya. Para siyang tinutulak ng hangin pero wala siyang takot sa ganitong sitwasyon.
He needs to stay calm. "All right, Benjamin, the fearless man, it's time to land." Breathe. Ito ang nasa isip niya pero may bigla na lang dumaan na kidlat sa harap niya, "Mamaaa!"
Ang isla, lumalaki na ito sa paningin niya habang papalapit siya nang papalapit. Ang nerbyos niya, hindi pa rin mawala-wala dahil sa walanghiyang kidlat na iyon. From time to time, he's trying to make it right and slows his landing. Naghahanap siya ng open na area pero pawang puno ang nakikita niya.
"Ang m-malas ko," gigil niyang anas. Another strong wind hit him and this time, the blast was even worst. "N-nooo! H-hindi... hindi ito pwedeng mangyari sa'kin!"
Napasigaw siya nang malakas kasabay ng pagtawag sa dakilang ina niya. Kasabay ng pagkagat ng labi, sumabit siya bigla—sa isang puno nang pabulusok siyang madala ng napakalakas na hangin.
Saglit siyang napatulala pero napalitan ito ng isang malawak na ngiti nang ma-realize na buhay pa siya. "T-thank you, Lord, I'm still lucky today!" Pinanginigan siya ng katawan dahil sa failed landing niya. "W-what a bad day but thanks God, I'm still alive!"
He's safe, but his failed landing was exteremely bad when he realized where he was, on top of the tree. Napakataas na puno itong sinabitan ng parachute niya. Pagtatawanan siya sigurado ng mga kasamahan niya sa nangyaring ito. He is known as the expert skydiver, one of the best kung ikukumpara niya ang sarili sa iba. They're nothing but right now, he's really fucked up.
Hindi niya pwedeng i-release ang gear niya para makawala sa pagkakasabit. Fracture ang buto niya oras na sumayad sa lupa ang paa niya. Ilang oras ang ginugol niya para makawala sa parachute niya. Nang makasampa na sa sanga ng malaking puno, gigil niyang kinagat naman ang maliit na sanga nito hanggang sa mangawit ang panga niya. Baka sakali, maramdaman nito ang hirap niya sa pagbaba.
"Babalikan talaga kita, puno ka, kapag nakaalis na'ko rito. Ipapaputol k-kita!" Para siyang unggoy nang mangunyapit siya sa katawan nito sa kalagitnaan ng pagbaba niya. "Hellooo! Is anyone here?" hiyaw niya nang pagkalakas-lakas pero boses lang niya ang ume-echo. "Pleaasee, help me. Mamaaa." Echo ng boses niya ang kanyang naririnig pagkatapos ng sigaw na iyon.
Papa'no kung namatay siya? Siguradong mama niya ang unang maaapektuhan sakaling mabalitaan itong nangyari sa kanya pero thankful siya sobra. Mahal pa rin siya ni Lord at hindi pa ito ready na i-welcome siya sa heaven. Lalong dumilim ang kalangitan na sinundan ng kulog at panaka-nakang pagkidlat. May pagmamadali sa kilos niya nang bumaba. Unang sumayad ang puwet niya sa lupa nang padausdos siyang bumulusok pababa. Parang pinalo ng baseball bat ang puwet niya dahil sa impact. Lumikha pa ito ng malakas na tunog.
"Hell! Lord, though you saved me, this punishment still hurts." Mariin niyang kinagat ang labi nang maramdaman ang sakit. "I-is someone here? Jesus!" sigaw niyang muli pero um-echo lang ang boses niya.
Isang sipa ang ginawa niya sa katawan ng malaking puno nang tuluyang makatayo. Gigil niyang kinuyom ang kamao at isang malakas na bigwas ang pinakawalan niya sa katawan ng puno sa sobrang inis niya.
"Aah, Mama." Mangiyak-ngiyak siya nang hawakan ang nasaktang kamay kaya sipa naman ang ginawa niya. "First, for giving me a hard time to climb down." Isang sipa ulit ang pinakawalan niya, "Two, for making me miserable today." Napatingin siya sa kalangitan nang umambon na. "Three, this island is deserted. Why, huh? Why, damn tree? No one is helping me."
Ambon lang nang una hanggang lumakas na ang patak ng ulan kasunod ang malakas na hangin. Paika-ika siyang naglakad para maghanap ng masisilungan. Short-tempered talaga siya lalo na pagdating sa tauhan niya sa kompanya pero pagdating sa babaeng type niya, isa pala siyang maamong tupa. Sinubukan niyang sa ilalim ng puno magtago pero useless pa rin. Basang-basa na siya dahil bumuhos na ang malakas na ulan. Humahapay ang halaman sa harap niya at ang mga sanga ng puno, para itong nagsasayaw sa saliw ng malakas na hangin kasabay ng nakakakilabot na tunog nito. Natatakot siya sa dala ng bagyong ito; sana naman may sumulpot dito para matulungan siya.
"M-Mama, w-where are you?" Napapailing siya nang maisip ang ina. "F-faster, Ma." Sana mabalitaan nito ang nangyari sa kanya.
Sa isang bukana ng kuweba siya napadpad ilang sandali pa. Nakahinga siya nang maluwag matapos makapasok dito. Ilang oras na siyang nakaupo sa loob hanggang abutan siya ng hapon. Nakaramdam siya ng lamig. Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago hinubad ang damit pang-itaas niya. Piniga niya ito nang paulit-ulit at sa mismong loob ng pinagtataguan niya ito sinampay.
"Good job, Benjamin! Kailan ka kaya m-makakaalis dito?" usal niya pero malakas na kidlat ang animo sumagot sa kanya kaya takot siyang napasiksik lalo sa pinagkukublian.
Ilang oras siya sa ayos niyang iyon hanggang makaidlip siya. Naalimpungatan na lang siya sa boses na iyon kaya napaupo siya bigla buhat sa pagkakatalungko niya.
"May tao ba rito?" hiyaw ng boses babae. "Narinig kita kanina. Sumagot ka, kung sino ka man! W-wala akong m-makita kaya s-sumagot ka!"
Benjamin's POV Inis niyang tiningnan ang babae. Kitang-kita na ang umbok ng tiyan nito pero nagpapakipot pa rin ito. Ano bang problema nito? "Ilang buwan na lang, manganganak ka na, Maria, pero look at you, nag-aaral ka pa rin. Hindi ba pwedeng pagkatapos mong manganak saka ka bumalik sa school?" Kahit nakakapagod ang magpabalik-balik sa probinsya every week, tiniis niya ito para lang suyuin ang babae. "Kaya ko ang sarili ko," inis nitong sagot. "Gusto kong makapagtapos kahit pa buntis ako. Hindi mo'ko mapipigilan sa pangarap ko." "Pag-aaralin kita ng bachelor's degree after mong manganak." Isang short course ang kinuha ng babae sa bayan na under ng TESDA pero hindi niya ito ikinatuwa. Mas gusto niyang mag-focus muna ito sa baby nila at sa sarili nito para masiguro ang kaligtasan ng mag-ina niya. Sa bayan ito pansamantalang nakatira dahil sa kalagayan nito kasama ang mga magulang nito. Isang malaking apartment ang nirentahan niya para sa mga ito. Mabilis niyang nilabas ang bungko
Benjamin's POV Magdadalawang buwan na ang lumipas nang makabalik siya ng Manila. Updated naman siya ng mga tao niya sa proyektong naiwan sa isla. Umangat ang mukha niya nang tingnan ang kaharap. "I'm listening, Venice." Napangiti nang kimi ang babae nang salubungin nito ang tingin niya, "Gusto ko lang mag-sorry, Ben, at magpasalamat kaya ako nandito—at magpapaalam na rin syempre." Naluluha ito nang muling magsalita. "Sorry kasi pinilit kitang balikan ako kahit na niloko kita. Salamat kasi—tinulungan mo pa rin akong makapagsimula rito sa Manila." Napatango siya. Nagpapasalamat siyang nagiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. "Sigurado ka na ba?" Tumango si Venice, "Oo, sapat na siguro ang dalawang buwan para makapag-isip ako nang maayos. Haharapin ko si Saeed para magkaro'n ng katahimikan ang isip ko. Pasensiya na." Nakatayo na ang babae nang hawakan niya ang kamay nito," I wish you all the best in life, Venice." Nang tumalikod ang babae at tuluyan nang naglaho sa lo
Benjamin's POV "Wala ka bang balak umuwi?" Tanong niya nang lapitan siya ulit ng babae. "Give me some time, Venice. My priority is not our relationship right now." Hindi niya maintindihan kung bakit na lang siya biglang nanlamig dito. Inamin na kasi nito ang lahat; ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Saeed pero balak na itong bitawan ng babae. All this time, pinaniwala siya nitong single ito pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon. "I made it clear, right, Venice? I just want to ensure that there is no confusion between us. Hanggang dito na lang muna tayo. We're done, iyon ang gusto ko." "Yes," napabuntong-hiningang saad nito pero nagtangka itong yakapin siya na agad niyang pinigilan. "Nagkamali ako, Ben, I'm sorry at sadyang naguguluhan lang nang una dahil nga sa issue namin ni Denise pero sigurado na'ko na ikaw ang pipiliin ko. Yong pagsampal ko sa'yo kahapon, nabigla lang talaga ako."Napatingin siya sa paligid. May ilang katutubo ang nag-uusap at ang tatay ni Maria, kanina pa
Maria's POV Ang saya niya nang matapos ang pagpapa-DNA nina Jacob at ng mama ni Ben. Resulta na lang ang hihintayin nila para malaman kung talagang mag-ina ang dalawang ito. "If you think we're done, Maria, think again," anas ni Jacob nang mapadaan ito sa gawi niya. "Tinakbuhan mo'ko. Tinraydor mo'ko nang bawiin mo ang kasong inihabla mo kay Benjamin." Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng lalaki at para na siyang maiiyak nang tingnan ito, "J-Jacob, ayoko na ng gulo. B-baka nga kapatid mo pa si Ben, eh." Napatiim-bagang ang kaharap nang sabihin ito, "I don't think so." Saad nito. "Not that guy, I hate him." "J-Jacob?" tawag ng mama ni Ben nang makalabas ito mula sa isang cubicle kasama naman ang tita ng lalaki. Agad itong naglakad palapit sa kanila. "The result will be delivered to us in two to three weeks." Huminto ito nang tuluyang makalapit, "I just wanted to say thank you for helping out tonight. Although I'm eager to find out, I know in my heart that I'm right." Sa isang osp
Maria's POV Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya habang papasok na sa building ni Jacob ang sinasakyan nila. Sa tulong ng tiyahin nito, pumayag na humarap ang lalaki pero hindi pa nito alam na sila ang kakatagpuin nito. "Maria." Ginagap ng babae ang nanginginig niyang kamay nang tuluyang mag-park ang sinasakyan nila, ito ang tiyahin ni Jacob na nagpaanak sa mama ni Ben. "Relax, gusto ko nang itama ang lahat kaya nandito ako kahit pa nangako ako sa namatay kong kapatid na ibabaon ko sa hukay ang sekretong ito."Nakausap na siya ng mama ni Ben pati na ng babae ukol dito. Si Jacob ay anak ng mama ni Ben pero dahil nga sa pakikipagsabwatan ng daddy ni Jacob at ng babaeng ito, pinalabas na namatay ang bata para maitakas ang sanggol palayo sa ina nito. Dahil ang mama ni Ben ay kasal na kaya pinili nitong manatili sa asawa nang magtaksil ito. Handa namang tanggapin ng asawa nito ang anak sa labas ng babae pero iba ang plano ng kerido ng mga oras na iyon. Napuno ito ng galit dahil mas pi
Benjamin's POVParang bumabalik lang ang dating nangyari sa kanila nang nasa loob na sila ng kweba pero sa pagkakataong ito, pareho na nilang nakikita ang isa't isa sa tulong ng emergency light na nakabukas. Nakapikit siya habang hinahalikan ang babae na hindi kababakasan ng pagtutol."B-Ben," napasinghap na tawag nito.Bumaba ang halik niya sa leeg nito hanggang tinunton ng labi niya ang pinakakaasam niyang yaman nito. Doon siya nagtagal habang impit na tinatawag ng babae ang pangalan niya. Salit-salitan niyang hinahalikan ang mayamang dibdib ng babae habang nakasabunot naman ang dalawang kamay nito sa buhok niya. "N-nakikiliti ako," reklamo ng dalaga pero napaungol lang siya habang binabaybay naman ng labi niya ang tiyan nito. "D-Diyos ko, Ben." HIndi napigilang mapaigik ng dalaga nang maramdaman na nito sa singit ang paghalik niya.Nostalgia. Ito ang hinahanap ng puso't katawan niya na nangyari na noon pero muling naulit ngayon. Handang-handa na siya ngayong gabi at nakalimutan na
Benjamin's POV "What?" 'di makapaniwalang tanong ni Clyde nang sabihin niya ang napag-usapan nila ni Maria. "You're such an awful person to say that to her." Pareho lang naman sila ni Maria, nasa sitwasyon din siyang naguguluhan dahil kay Venice. Alam na rin ng mga kaibigan ang ukol dito kaya katakot-takot na advice ang binigay nila. "Stop fantasizing about Venice, hindi ka pa nadala." Walang kangiti-ngiting singit ni Clint sabay tapik sa balikat niya. "Kung type mo si Maria, do it properly at tawagan mo si Venice para makipaghiwalay na. Bro, remember, magkadugo sila ni Denise eventhough paulit-ulit mong sinasabi na iba siya, she's romantically involved with Saeed I think. Medyo natukso lang siya nang ma-meet ka ulit dahil gwapo ka. Red flag, dude." Hindi siya makapaniwala dahil kung tutuusin, mga babaero din ang mga kaibigan noon at walang pakialam ang mga ito kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya. For the first time, nagbigay ng advice ang mga mokong. "I'm afraid we don't ha
Benjamin's POV "Masakit lang malaman na magpapakasal siya sa'kin dahil napilitan lang," malungkot na saad ni Polding nang magkaharap na sila para pag-usapan si Maria. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Kung sa'n masaya si Maria, hahayaan ko siyang mamili." "Maria?" untag niya sa babae. "Pasensiya na, Polding," nahihiyang pag-amin ni Maria. "Totoo naman ang sinabi ni Benjamin na wala akong gusto sa'yo pero napakabuti mo kaya pumayag ako pero kanina—" Talagang hindi siya makasagot ng oo agad. "Ok lang 'yon, Maria," hinging-paumanhin nito. "Importante pa rin ang may maramdaman ka sa taong papakasalan mo. Pakisabi na lang sa magulang mo na umalis na'ko." Bilib siya sa lalaking 'to. Good sport ito matapos niyang manalo sa palaro kanina. Nakipagkamay pa ito na kanyang malugod na tinanggap. Nakaligo na rin sila at nakapagbihis pero ang amoy nila, hindi mawala-wala kaya naaasar pa rin siya sa tradisyong ito. "Thank you for understanding everything, Polding. I know you're an educate
Benjamin's POV "Kung gayon, Polding, dadaan kayo ni Ben sa kinagisnang tradisyon ng tribong ito, ang laban-bawi na palaro. Bilang isang pinuno—" Panimula ni Ka Letong na siyang tatayong watcher din ng kanilang laban. "Ganito ang patakaran sa larong ito: nilaban ni Polding ang pag-ibig niya kay Maria kaya papakasalan niya ang kahuli-hulihang babae na wala pang asawa. Siya ang tatayo sa "laban." Nakatingin na ang matanda kay Maria na walang kibo. "Pero dumating si Benjamin na pinipigilan ang kasalan kaya siya ang babawi sa dalaga. Siya ang tatayo sa "bawi." For them, that actually sounds pretty strange. He doesn't know what this tribe chief wanted them to do to put an end to this marriage. Kung tutuusin, hindi naman legal ang ginagawa ng matanda na pagkakasal kung hindi dumaan sa tamang proseso. "Dude, I think we made the right choice not to go on our mountain trek today. This sounds more fun to me." Bulong ni Clyde sa kanya na nakatayo na sa tabi niya. "Mukhang mapapalaban ka sa is
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments