MAGGIE woke up from a long, deep sleep. She stretched her arms and turns her sight at Trevor whose eyes was busy on the road.
“Malayo pa ba tayo?” inaantok pa ang boses na tanong niya.
Bumaling lang saglit sa kaniya si Trevor saka ibinalik rin ang tingin sa daan.
“Medyo malapit na,” sagot nito. “By the way, may pagkain akong binili kanina nang mapadaan tayo sa isang fastfood chain. You can get it at the backseat in case you feel hungry,” anito na ibinaling pa ang ulo sa backseat para ituro ang pagkain.
Umayos sa pagkakaupo sa passenger seat si Maggie bago inabot ang pagkain na nasa backseat. “Thank you!” Agad niyang hinugot sa paper bag ang burger at drinks at sinimulang lantakin iyon.
Hapon na nang magising siya kaya hindi na siya nahiya pang kumain sa harap ni Trevor. She offered a bite of her burger to him and he immediately took a bite. Basically, they shared her burger while talking with each other.
Pagkatapos ng pag-uusap nila kanina ay hindi na sila nagdalawang-isip pa