Buong buhay niya, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na masasaksihan niya ang gano’ng tagpo sa pagitan nilang dalawa ni Domino. She never once took him to be the kind of man he showed her. Mabuting lalaki naman ito. O baka iyon lamang ang tumatak sa kaniya noon dahil sobrang mahal niya ito.
Ngunit dahil sa nangyari ngayong gabi, isang bahagi ng isip niya ang nagpapasalamt na hindi siya rito kinasal. Tila ba nawalan ito ng kontrol sa kaniyang sarili ay hindi na alam ang pinagagawa. Kung sakali mang natuloy ang balak nitong pagtangay sa kaniya sa kung saan mang ayaw na niyang alamin pa, hindi na talaga niya alam kung anong mangyayari.
Kaya sobrang nagpapasalamat siya sa pagdating ni Dimitri.
“Bakit ka nga pala nandito?” tanong niya upang putulin ang katahimikang kanina pa naghahari sa pagitan nilang dalawa.
Agad na nabalot nang init ang kamay niya nang hawakan iyon ni Dimitri nang mahigpit. “I was worried. Nakita kong sumunod si Domino. And he looked like he’s about to cause you some t