author-banner
seollemdaero
Author

Novels by seollemdaero

Marrying My First Love's Brother

Marrying My First Love's Brother

After suffering a heartache from a betrayal of a nine-year one sided love for Domino Lazatine—who was in a secret affair with his brother’s fiancée—Anastasha Molina found herself being proposed to by his first love’s brother, Dimitri Lazatine. Struck by the truth of betrayal and pain by Domino, would Anastasha agreed to the tempting marriage for convenience offer of the eldest Lazatine as a revenge to her heart ache?
Read
Chapter: Chapter 34: Husband and Wife
“Paano ka magluluto kung kulang-kulang ang sangkap mo?” masungit at malamig na tanong ni Dimitri sa kaniya nang makapasok siya sa penthouse nito.Agad tuloy nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi na niya inabala pa ang kaniyang sarili na mag-grocery dahil kagabi lang ang kumpleto pa ang laman ng refrigerator nito. Kaya kumpiyansa siyang nagpunta rito ng walang biniling kahit na ano.Masyado naman kasing aksaya kung mamimili pa siya ng mga panibagong sangkap tapos hindi lang din naman magagamit.“Eh, ang dami pa namang sangkap sa ref mo, ah? May gulay at karne ka pa nga?” nagtatakang sagot niya rito. Sinalubong niya ang malamig na mga mata nito kaya gano’n kabilis siyang natigilan sa pagsasalita.Sabi ko nga wala!Hindi na niya ito nagawa pang sagutin ulit kahit na ang dami niya pa sanang gustong sabihin dahil sa bigat ng tingin sa kaniya ng lalaki.Napanguso tuloy siya. Bakit ba kahit ang ternong silk PJs nito na kulay navy blue ay hindi rin nakatulong upang mabawasan ang masungit niy
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: Chapter 33: Husband-To-Be
“Huwag na,” agap ni Anastasha sa namumuong galit ng kaibigan niya para sa lalaking kaniyang pakakasalan. “Nakakaawa na nga iyong tao.”Muli na naman tuloy niyang naalala ang nasaksihan niyang tagpo kahapon. Naramdaman niya tuloy ulit ang awa para rito. Iyon bang, kahit anong pilit niya ay hindi niya magawang tulungan ang sarili niya.“At bakit naman, aber?” masungit pa rin nitong tanong.“Dimitri’s a retired soldier. I mean, he was forced to retire because of his injury almost a year ago. Hindi ko alam ang buong detalye pero paralisado ang kalahati ng katawan niya. More specifically, his legs. Kaya naka-wheelchair siya,” kuwento ni Anastasha.“Ibig sabihin hindi siya nakakapaglakad ngayon?” Hindi naitago ni Lizzy ang gulat. Umiling siya. “Eh, sa future? May chance pa rin naman kaya na makalakad siya?”Mas lalo siyang nawalan ng imik. Kinuha na lang niya ang kaniyang inumin at sumimsim doon. She has only gotten a chance to spend a day with Dimitri kaya hindi niya alam ang sagot sa nagi
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: Chapter 32: Regret
Matapos ibaba ang tawag ni Lizzy ay sunod naman niyang tinawagan ay si Dimitri. Knowing his personality, sigurado siyang inaasahan na ng lalaki ang presensya niya.“Dimitri,” alangan niyang sambit nang sagutin nito ang tawag. “Ayos lang ba kung mamaya na ako makakapunta?”“Bakit?” Malamig na naman ang boses nito.“I’m meeting my friend now,” she answered honestly. “Pupunta na lang ako after lunch,” agad niyang dugtong.“No,” he replied more coldly than his earlier reply.Lumaylay tuloy ang balikat niya hindi lang dahil sa malamig nitong tugon kundi maging sa pakikitungo nito sa kaniya.Hindi lang niya talaga magawang tanggihan si Lizzy dahil hindi ito ang klase ng tao na papalampasin ang ganitong klase ng usapin.“Help me fix lunch with me,” he replied nonchalantly.“Eh, si Norman? Hindi mo ba siya kasama?” Hindi man niya kilala ng buo ang kanang-kamay nito, sigurado naman niyang makagagawa ito ng paraan para madalhan ng pagkain si Dimitri.“Wala siya rito,” tipid nitong tugon.Napabu
Last Updated: 2025-05-06
Chapter: Chapter 31: Living with Domino
Ito na yata ang pinakamahabang araw sa buhay ni Anastasha sa loob ng siyam na taon. Sa rami ng nangyari, hindi na niya iyon kayang himayin pa.She covered herself with her thin blanket and hid herself beneath. And there she cried her frustrations over and over again. Mula sa saya, lungkot, sakit at pait, maging ang panghihinayang ay sabay-sabay niyang nararamdaman.Hindi niya maintindihan. Hindi niya kayang tanggapin. Hindi niya alam kung saan siya nagkamali.Alam niyang kung ikukumpara kay Venice ay walang-wala ang hitsura niya rito. She’s a natural beauty. Her curves are to die for. Everyone likes her.Sa kabilang dako, malayo siya kung ikukumpara rito. Madalas na sinasabi na manang daw siya kung manamit. Masyado raw siyang mahinhin kumilos kaya matagal bago niya natatapos ang mga inaatas sa kaniya na tungkulin. Kaya hindi na dapat siya nagugulat kung bakit nahulog si Domino sa babaeng malayo ang agwat sa kaniya.Dahil kung siya ang tatanungin, hindi rin siya kagusto-gusto sa saril
Last Updated: 2025-05-06
Chapter: Chapter 30: Dinner
Tahimik na pinagmasdan ni Dimitri si Anastasha nang simulan siya nitong alayayan. Hindi siya nagreklamo. Hindi rin siya nagsalita.Inalalayan niya ang kaniyang sarili paupo sa tabi ni Anastasha pamamagitan nang pagtukod ng kaniyang kamay sa magkabilang gilid niya. Nang makitang okay na siya, sunod na binalingan ng dalaga nang muli nitong itayo ang wheelchair na binat niya kanina dahil sa inis.Ininspeksyon nito ang wheelchair kung may sira ba o ano? She also tried testing the buttons if they are still working properly. Nang masigurong ayos pa ito ay nakangiti binalingan siya nito.Bahagya tuloy siyang natigilan habang pinagmamasdan sa unang pagkakataon ang sinserong ngiti sa kaniyang mga labi.“Ayos pa!” masayang anito sa kaniya. Nanatili lang siyang walang imik habang tinutulak palapit sa kaniya. Bigla itong nagseryoso at sinabing, “Huwag mo nang ulitin iyon, Dimitri. You should consider it as your friend as this serves as your feet to help you go places you want to be.”Walang ekspr
Last Updated: 2025-05-05
Chapter: Chapter 29: Agreement
Tulalang gumilid siya habang pinagmamasdan ang lalaki na tulungan ang kaniyang sarili na makabalik sa wheelchair nito. Hindi niya inaasahang makakarinig ng ganitong klaseng mga salita mula sa lalaki.Wala tuloy ibang magawa si Anastasha kundi tahimik na panoorin ang pahihirap ni Dimitri. Inalalayan nito ang kaniyang sarili gamit ang braso nito. Subalit kahit na anong pilit niya, hindi tumutugon ang kanyang mga binti. Inabot niya rin at hinawakan ang wheelchair niya at sinubukang gamitin ang natitirang lakas nito para makatayo, ngunit dahil sa kawalan ng lakas ng kaniyang binti ay hirap pa rin siyang makakilos kahit na anong pilit niya.Sinubukan niya ulit na kumuha ng suporta sa wheelchair niya ngunit patulo lamang siyang nabibigo. Napundi ang pasensya ni Dimitri. At sa sobrang inis ay malakas niya itong tinulok dahilan para tumama ito sa center table kaya naman itoy nabasag,“Dimitri…” anas niya sa kawalan nang sasabihin. Nakatingin lang siya rito, hindi malaman ang dapat na gawin. G
Last Updated: 2025-05-04
You may also like
One Fateful Night With My Ninong
One Fateful Night With My Ninong
Romance · Deigratiamimi
23.4K views
THE TWIN'S EFFECT
THE TWIN'S EFFECT
Romance · Daylan
23.3K views
His Covetous Wife
His Covetous Wife
Romance · Mariya Agatha
23.3K views
TRAPPED IN HIS WRATH
TRAPPED IN HIS WRATH
Romance · SEENMORE
23.1K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status