After suffering a heartache from a betrayal of a nine-year one sided love for Domino Lazatine—who was in a secret affair with his brother’s fiancée—Anastasha Molina found herself being proposed to by his first love’s brother, Dimitri Lazatine. Struck by the truth of betrayal and pain by Domino, would Anastasha agreed to the tempting marriage for convenience offer of the eldest Lazatine as a revenge to her heart ache?
View MoreBalot ng antisipasyon ang puso ni Anastasha habang pinagmamasdan ang mabagal na pagpapalit ng numero ng elevator na kaniyang sinasakyan. Maisip pa lang na makikita na niya si Domino matapos ang isang buwan ay napupuno na ng galak ang kaniyang puso. Sabi nito ay may maganda siyang balitang nais niyang ibahagi sa kaniya.
Magpo-propose na kaya siya? Ang tagal niya na ‘yong hinihintay!
Puno ng ingat niyang bitbit ang paboritong pagkain ng lalaking mahal niya, lasagna. Gumising pa siya nang maaga para lang gawin ‘yon. Kapares no’n, naghanda rin siya ng iced coffee bilang panulak kung sakali mang mauhaw ito.
Gustung-gusto niyang pinagsisilbihan si Domino. Lalo na’t alam niyang gusto rin ito ng lalaki. Hindi naman siya nagrereklamo. For as long as it will make him happy, Tash would be glad to do it each day.
Walang pagsidlan ang galak niya nang sa wakas ay kaniyang marating ang top floor kung nasaan ang opisina ni Domino, ang kasalukuyang presidente ng kumpaniya. She was feeling extra giddy that morning. Ramdam niya iyon sa bawat maingay na tibok ng puso niya.
Katahimikan ang bumati sa kaniya nang lumabas siya ng elevator dahil may isang oras pa bago ang pasok ng mga empleyado. Wala pang tao. Kaya solo niya ang buong pasilidad.
At sa kagustuhan niyang sorpresahin si Domino ay sinadiya niyang magdahan-dahan sa kaniyang bawat paghakbang. Tinungo niya ang opisina nito at papasok na sana ng tuluyan nang matigilan siya dahil sa bahagyang pagkakabukas nito. Kasunod no’n, tuluyan na siyang ‘di nakagalaw dahil sa ingay na nanggagaling sa loob.
Naging mabilis ang mga sunod niyang hakbang patungo sa pinto. Kasabay no’n ay ang mas lalo pang pag-ingay ng tibok ng puso niya sa iba ng rason. Halos pabalibag na niyang binuksan ang pinto ngunit walang nakita sa loob. Ngunit ang ingay ay mas luminaw pa sa kaniyang pandinig.
“D-Domino… d-don’t…” halinghing ng babae.
Natulos siya sa kaniyang tinatayuan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. At para nang sasabog ang kaniyang utak sa nangyayari. Hindi siya bobo para hindi maintindihan ang nangyayari. Ngunit hindi niya ‘yon lubos na mapaniwalaan.
Imposible! Opisina ‘to ng lalaki kaya paanong may gano’ng bagay na mangyayari. Hindi ‘yon magagawa ni Domino sa kaniya! Hindi gano’n klase ng lalaki ang mahal niya!
Ngunit kahit ano pang gawin niyang pagkumbinsi sa kaniyang sarili, mas malinaw ang reyalidad ng kaniyang naririnig. Na tuluyang dumudurog hindi lang sa pag-asang kinakapitan niya kundi maging sa puso niya rin.
“You’re so beautiful, babe. I love you so much.”
Boses ‘yon ni Domino!
Sigurado siya ro’n. Dahil kahit pa lumipas ang taon at mahabang panahon ay patuloy niyang makikilala ang ganda nito.
“Mahal din kita, Domino. Pero… paano ang kuya mo?” tanong ng babae na mas nagpatigil sa kaniya. “We’re still engaged. At bukas na ang balik niya. Kapag nalaman niyang may relasyon tayo, mapapatay ako no’n.”
“Of course not! Hindi ko ‘yon hahayaang mangyari. Dala mo ang anak ko. At gustung-gusto na ni Mama ng apo. Kapag nalaman niyang magkakaanak na tayo, sigurado akong tutulungan niya tayong kumbinsihin si Kuya na ituloy ang relasyon natin,” puno nang kasiguraduhang tugon ni Domino.
Sa bawat segundong naririnig niya ang sinasabi nito ay mas lalong nadudurog ang puso niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang dala-dala kasabay nang unti-unting pagsikip ng daluyan ng hangin sa kaniyang katawan dala ng pagbigat ng emosyong kaniyang nararamdaman.
Gusto niyang itanggi ang kaniyang naririnig. Ngunit sa sobrang linaw no’n ay hindi makuhang maghanap ng rason upang pasinungalingan ‘yon.
“Pa’no ang sekretarya mo? Hindi ba’t may kasunduhan kayo noong mga bata kayo? Paano siya?” tanong pa nito.
“Hindi problema ang tangang ‘yon. Kung hindi lang dahil sapabor ng Tatay niya noon, matagal ko na sana siyang pinalayas sa kumpaniyang ‘to. Baby… ikaw lang ang mahal ko,” suyo ni Domino sa babae.
Pagkatapos nitong magsalita ay saka naman napuno ng ingay ang paligid dahil sa mga sunud-sunod na nagsipasikan na mga empleyado.
Pigil na pigil niya ang kaniyang mga luha huwag lang itong tuluyang tumulo. Matagal na niyang gusto si Domino. At alam iyon ng lalaki. Mula pa noong high school sila. Siyam na taon na rin ang lumipas nang mapagtanto niya ang kaniyang nararamdaman.
Pero ano? Isa lang siyang tangang babae para rito? Isa lang siyang uto-uto?
Sa reyalisasyong ‘yon ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang tuluyang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata. Dinama niya ang pagguhit nang init nito sa magkabila niyang pisngi. Nanlalabo na ang kaniyang paningin. Tuluyan na rin niyang nabitawan ang kaniyang mga dala-dala nang mawalan ng lakas ang kaniyang kamay dahilan upang kumalat ‘yon sa sahig.
Patuloy na naglalandas ang mga luha sa kaniyang magkabilang pisngi ngunit pinanatili niyang nakapaskit ang kaniyang ngiti. Sobrang sakit ng bawat pintig ng puso niya. Durog na durog ‘yon at hindi na siya halos makahinga.
Siyam na taon! Siyam na taong ginugol niya upang mahalin ang lalaking ‘yon. Lahat ng tungkol dito ay alam niya. Malinaw niyang naaalala. Mula sa pananalita nito, sa mga gusto’t ayaw niya, sa kaniyang pananamit, mga gawi. Lahat-lahat!
Lubos niya ‘tong kilala. Pero sobrang nakakapanliit pala na malaman na wala pala ‘yong halaga. Huh, tanga? Siguro nga ay tanga siya. Sobrang tanga para mahulog sa lalaking ‘di siya kayang bigyan ng importansya.Malalim na nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Dominic pagkatapos ay nagpaubaya na sa kagustuhan niya. Muli siya nitong tinabihan at suwabeng inakbayan.“Puwede mo ba akong pagbigyan kung hihiling ako sa iyo ngayon?” maingat niyang tanong.Agad namang tumango si Anastasha at nag-angat dito ng tingin. “Ano iyon, Kuya?”“Kung sakali mang hindi ka maging masakya sa kasal mo, palagi mong tatandaan na puwede kang bumalik sa akin. Kahit kailan. Basta nandito lang ako. Hihintayin kita.”Dala marahil ng emosyon na pansamantala niyang nakalimutan ay naramdaman na lamang niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. “Kuya Dom naman.”Itinaas ni Dominic ang kanyang kamay at marahang pinunasan ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Tumingin ito sa kanya na suot ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata at ngumiti. "I used to like seeing you smile the most. Dahil sobrang ganda mo tuwing kumikinang sa tuwa ang mga mata mo. Hindi ko inaasahan na paiiyakin kita sa unang araw na bumalik ako.
"Kung ganoon, ikaw na lang ang magmay-ari ng complete package na ‘to.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Anastasha nang marinig niya ang kanyang mga salita. Tumingin siya sa lugar kung saan nagtagpo ang dagat at langit sa malayo, at biglang tumalikod at ngumiti sa kanya. "Imposible ang hiling mo, Kuya..." May asawa na ako!Ngunit talagang hindi niya masabi ang mga sumusunod na salita. Alam niya ang rason kung bakit ito umalis ilang taon na ang nakakaraan. Ngunit sa oras na iyon, ang kanyang mundo ay umiikot lamang kay Domino.Tumingin sa kanya si Dominic at marahang hinawakan ang mga balikat niya upang matingnan siya sa mata. "Ash, bakit ka nagpakasal sa taong hindi mo gusto?"Bahagyang kumurap si Anastasha nang marinig niya ang kanyang mga salita, pagkatapos ay ngumiti nang mapait.“Bakit naging ganito, Ash?” muli nitong tanong nang hindi siya nakaimik. “Kahit na mali ang ginawa ni Domino sa iyo, hindi mo dapat na pinakasalan ang Kuya niya dahil lang sa galit ka.”Malinaw niyang na
Hindi napigilan ni Anastasha ang makaramdam nang pagkamangha nang bumungad sa kaniya ang isang magar at mamahaling kulay itm na BMW na alam niyang hindi biro ang halaga.Nanlalaki ang mga mata na nilingon niya ang lalaki. “Kuya, sa ‘yo ‘tong sasakyan na ‘to?” Hidi na niya nagawa ang itago ang pagkamangha. Pakiramam niya tuloy ay ang ignorante niya dahil hindi niya inaasahang makakakita nang gano’n kamahal na sasakyan. Not even Dimitri or Domino owns one.Ngumiti ang lalaki sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok na para bang aliw na aliw ito sa naging reaksyn niya. “Oo, kabiili ko lang.”“Wow naman, Kuya Dom!” Pabiro niya itong hinapas sa braso, bumibilib siya sa mga narating nito. “Asensado na talaga, ah?”“Sira, Kulang na kulang pa ang narating o kung kuumpara sa marangyang pamumuhay ng mga maharlika na yata kung ituring,” biro nito saba tawa.“Ano ka ba, Kuya. Ang mahalaga, naabot mo na ang mga bagay na pangarap mo lang noon. Hindi mo naman kailangang makipagkumpitensya sa iba, eh.
Kung mayroon mang isang taong sobrang malapit kay Anastasha simula pa noong bata siya, ang Kuya Dom niya na siguro iyon. He’s not just her cousin but also her best friend. Well, technically not blood related to her dahil kinupkop lang naman ito ng Tita niya noong maulila ito ng dati nilang katulong.Naging sobrang malapit sila sa isa’t isa dahil noon pa man ay sobra na itong naging mabuti sa kaniya. Para na niya itong naging totoo Kuya sa sobrang pagiging maalaga nito noon pa man. Palagi niya rin itong nakakalaro noon dahil magkalapit lamang ang bahay ng mga pamilya nila. Ngunit isang araw ay bigla na lamang itong nagdesisyon na manirahan sa ibang bansa upang mag-aral at gumawa ng sarili nitong career.Kaya dahil sa muling pagbabalik nito, hindi na niya magawa pang pigilan ang paglawak ng kaniyng mga ngiti sa kasabikan na muli itong makita.“Kumusta po kayo Tita? Ano na pong balita sa inyo rito?”Napahinto sa gagawing pagpasok si Anastasha nang marinig ang naging tanong na iyon ni Dom
Hindi na nagawa pang pigilan ni Anastasha ang pagtulo ng kaniyang mga luha pagkasakay na pagkasay pa lamang niya ng taxi. Lulan siya nito sa loob ng sampung minuto na. At magmula no’n ay hindi na nahinto ang kaniyang pagluha.Sobra siyang nasasaktan sa kanilang muling pagkikita ni Domino. Dahil pagkatapos ng lahat ng ito ay may kirot pa rin sa puso niya para kay Domino. Mas lalo na dahil hindi niya inaasahang makikita niya itong kasama ang babaeng ipinalit nito sa kaniya. Ngunit mas lalong hindi niya inaasahan ang naging konteksto nang pag-uusap nila. Lalo na ang limang milyong alok nito kapalit ang lahat nang nangyari sa pagitan nila.Limang milyon!Sino naman siya sa tingin niya? Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Hindi gano’n kababaw ang kaniyang ama upang bigyan nito ng halaga ang pagdo-donate nito ng cornea para muli siyang makakita.Alam niya iyon, dahil tinuring nitong anak si Domino. Hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ng pera ang kabutihan ng kaniyang ama.Hindi ni
Pinagmasdan ni Venice ang papalayong likod ni Anastasha habang mariing kagat ang pang-ibaba niyang labi upang pigilan ang sarili na makapagsabi pa nang hindi maganda.Halos hilahin na niya ang kaniyang mga mata upang magawang balingan si Domino. Hindi niya nagawang itago ang inis niya nang damputin ang tsekeng hindi kinuha ni Anastasha at padabog na ibinaba sa tapat ni Domino. “Don’t you think five million is too much to give her?” tanong niya.Kukuhanin na sana niya ang tseke upang ilagay sa kaniyang bag ngunit maagap siyang napigilan ni Domino. “Give it back to me. The company’s currently facing financial problems.”Umingos siya. “Nangangailangan ng pera ang kumpaniya ninyo pero nagawa mo pa rin siyang offer-an ng limang milyon?” may bahid nang inis na tanong niya rito.“Alam ko namang tatanggihan niya,” kumpiyansang sagot nito na nagpainit ng ulo ni Venice.Hindi nagawang itago ni Venice ang sarkasmo ng matawa siya dahil sa naging sagot nito sa kaniya. “Ha! Talagang kilala mo siya,
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments