Kung magiging tapat man si Anastasha sa kaniyang sarili, alam niyang takot ang nararamdaman niya sa kaniyang puso dahil sa sitwasyong mayroon. Hindi niya alam kung ano ang magiging hinaharap niya ngayon na tapos na ang pagiging sekretarya niya kay Domino. She just won’t want to associate herself with that man again.
At ngayon na malinaw na sa kaniyang wala na siyang babalikan pang trabaho, para siyang ligaw na hindi alam kung saan pupunta. Simula naman kasi noong gr-um-aduate siya ay hindi niya prinoblema ang paghahanap ng trabaho dahil mayroon nang naghihinta sa kaniya sa Lazatine Empire, ang kumpaniyang ngayon ay pinamumunuan na rin ng asawa niya. This was the first time she faced such a problem, and she didn't know what to do. Pakiramdam niya tuloy ay walang direksyon ang buhay niyangayon.
Things have already been laid out in front of her nd now that the world started rotating differently, she don’t know what to do. Idagdag pa na nakapako na sa isip niya ang magiging kasal sana nil