Napamulagat siya sa malalim na boses ni Dimitri. Nabuhay rin ang kaba sa kaniyang dibdib. At dahil malinaw sa kaniyang hindi niya ito maaaring iwasan pa, marahan niya itong hinarap.
Bumugad sa kaniya ang mapungay na mga mata ni Dimitri na walang hirap na sinalo ang kaniya. The bed was huge as a matter of fact. But with them lying side by side, it feels like it was just a double size bed with their distance so close to each other.
Halos wala na siyang ibang maring kundi ang puso niyang malakas na pumpintig. Ito pa lamang ang unang pagkakatao na napalapit sila ng ganito sa isa’t isa. Kaya hindi kataka-takang halos mabingi na siya sa malakas na tibok ng kaniyang puso. Ramdam niya na rin ang pamumula ng kaniyang mga pisngi dahil sa hiya.
Ngunit nagkamali siya nang isiping nasa hangganan na siya ng kaniyang nararamdaman. Dahil nang maingat na hawakan ni Dimitri ang kaniyang kamay ay mas lalo lamang umingay ang puso niyang balot na balot na nang kaba.
Sinubukan niyang magbawi ng kamay nguni