Nang makabalik si Graciella sa loob ng kanyang silid ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Kimmy. Sa matamlay niyang pakiramdam, sinagot niya ang tawag nito.
"Kumusta Graciella? Anong reaksyon niya sa ibinigay mo sa kanya?" Excited na tanong ni Kimmy.
"Tinanong ko siya kung nakita na ba niya ang laman ng papel tapos sabi niya pag-iisipan niya muna," malungkot niyang sambit.
Napapikit si Graciella nang magpakawala si Kimmy ng sandamakmak na mura sa kabilang linya. "Baliw na lalaki! Dala mo ang anak ninyong dalawa tapos pag-iisipan pa niya ang tungkol sa pagbubuntis mo? Utak monggo yata yang asawa mo, Graciella!"
Malakas na napabuntong hininga si Graciella. Akala niya ay okay na silang dalawa ni Drake. Sinabi nitong mahal siya nito. Hindi pa ba handa ang lalaki na magkaanak sila? May balak parin kaya itong hiwalayan siya?
"Di bale na. Kakausapin ko nalang siya bukas," buntong hininga niya tugon.
"Iniwan ka na nga niya sa gitna ng hapunan ninyo tapos ganyan pa siya! Nakakainis siya alam