Masuk"Here's my calling card. Call me if you need something…" One night stand. Iyon ang nangyari sa pagitan nina Graciella Santiago at ng lalaking hindi niya kilala. Akala niya ay hindi na niya ito muling makikita pa pero isang buwan matapos ang una nilang tagpo, nalaman nalang niyang dinadala na niya ang anak nito. Wala naman dapat siyang balak na tawagan ang lalaki pero nang mapagdesisyunan ng kanyang ina na ipakasal siya sa isang matandang hukluban kapalit ng pera, agad niyang tinawagan ang estranghero na ama ng kanyang anak para pakasalan siya! Akala niya isang gaya lamang niya si Drake Levine Yoshida subalit isang araw natuklasan nalang niya na ang lalaking basta nalang niya niyaya ng kasal ay isa palang mayamang lalaki! At hindi lang basta mayaman kundi isang bilyonaryo at nagmamay-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya!
Lihat lebih banyak"You're pregnant…"
Gulat na napatingin si Graciella Santiago sa maliit na larawan na nasa monitor. Tama ba ang narinig niya? Buntis siya?
Kalmado lang na nakatingin ang doktor sa kanya. Marami na siyang nakitang babae na kagaya ni Graciella ang reaksyon sa tuwing sinasabi niyang positibo ang resulta.
"Is this your first pregnancy? Kung hindi ay kailan ang huli?" Tanong ng doktor.
Hindi agad nakasagot si Graciella, masyado siyang nagulat sa nalaman niya at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
"Abortion can lead to a lifelong infertility Miss Santiago," biglang sabi ng doktor nang hindi siya magsalita.
Namilog ang kanyang mata sa narinig. "Wala po akong balak magpa-abort Doc!"
Agad na umamo ang mukha ng doktor sa sinabi niya. "You're three and a half weeks pregnant. Your baby is in good position pero kailangan mo parin ng regular check-up para mamonitor natin ang kalagayan niya at masigurado ang kalusugan niya."
Halos wala sa sarili si Graciella nang lumabas siya ng ospital. Hindi niya aakalain na mabubuntis siya nang dahil lang sa isang gabing pagkakamali. Pero dahil nabuo na ang bata, paninindigan niya iyon. Ang problema nalang niya ay kung paano niya sasabihin sa kanyang ina at kapatid ang kalagayan niya.
Sumakay siya sa kanyang electric scooter at hindi na pinansin pa ang medyo maalinsangan na panahon. Bumili muna siya ng prutas bago siya tuluyang umuwi sa bahay nila subalit nasa labas palang siya ng pinto ay dinig na dinig na niya ang boses ng kanyang Mama Thelma.
"Mabuti naman at nadalaw mo ako anak. Hindi katulad ng kapatid mong si Graciella na kung anu-anong kalokohan nalang siguro ang ginawa sa labas."
"Ma, matino naman si Graciella. Katunayan abala nga siya lagi sa trabaho niya," pagtatanggol ng kanyang Kuya Garett sa kanya.
Sarkastiko namang natawa ang kanyang ina. "Hah! Ang sabihin mo, napakawalang utang na loob ng batang yan. Biro mo yun, fifteen thousand lang ang binibigay niya sakin gayong malaki naman ang sahod niya. Sigurado akong marami ng naipon ang babaeng yan. Ang mabuti pa, magpatulong ka sa kanya na makabili ng kotse para naman may magamit ka dahil kapag nag-asawa na siya, yung asawa na niya ang makikinabang sa pera niya at hindi na tayo!"
Hindi niya maiwasang madismaya sa narinig niya mula sa kanyang ina.
"Oo nga pala, yung kakilala ko, naghahanap ng babaeng mapapangasawa ang tiyuhin niya. Balita ko handang magbayad ang lalaki ng malaking pera dahil matanda na at nangangailangan ng makakasama sa buhay. Dapat ipakasal natin si Graciella sa lalaking yun para kapag binayaran tayo, makakabili ka na ng mas malaking bahay Garett," dagdag pa ng kanyang ina.
"Ma! Malaki na ako at nakakatandang kapatid ako ni Graciella. Isa pa, may trabaho ako, hindi ko kailangan ng pera ng kapatid ko," kontra ng Kuya niya.
"Ano bang pera niya ang pinagsasabi mo. Pera ko yun Garett. Kahit na siya ang nagtatrabaho, ako ang nagpalaki sa kanya kaya kung tutuusin akin yun bilang kabayaran sa pag-aaruga ko sa kanya."
Hindi na sumagot pa ang Kuya Garett niya pero dinig niya ang pagpakawala nito ng isang malalim na buntong hininga.
"Nasaan na kaya ang batang yun ng masabi ko sa kanya ang tungkol sa pagpapakasal niya," palatak ng kanyang ina.
Hindi na siya nakatiis pa at tuluyan ng pumasok sa loob. Tila hindi naman inaasahan ng kanyang ina ang pagdating niya. Kita pa niya ang kaunting kaba sa ekspresyon nito.
Hilaw itong ngumiti. "Graciella, anak… Kanina ka pa ba? Nagbibiruan kasi kami ng Kuya mo pero pwede ring totohanin. Alam mo kasi, hindi naman batayan ang edad sa pag-aasawa. Ang importante ay may pera—"
"Ma, ayoko pong magpakasal," putol niya sa sasabihin sana nito.
Tila napagod na ang kanyang ina sa pagkukunwari nito at agad na tumikwas ang isa nitong kilay. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Graciella. Ako ang bumuhay sayo kaya dapat lang na tumanaw ka ng utang na loob. Magpapakasal ka sa lalaking yun sa ayaw at sa gusto mo!"
Simula nang mga bata pa sila ng Kuya Garett niya, ramdam niyang hindi siya paborito ng kanyang ina. Tuwing pumupunta ng bayan ang Mama Thelma niya, ang Kuya Garett niya lang ang may pasalubong pag-uwi. Binibilhan din ito ng kanyang ina ng magagandang damit samantalang siya ay halos hindi nito napagtutuunan ng pansin.
Tiniis niya ang pagtrato nito sa kanya dahil kahit papaano, ito ang nagbigay ng buhay sa kanya pero hindi siya makapaniwala na darating sila sa punto na pipilitin siya nitong magpakasal dahil lang sa pera.
Huminga siya ng malalim kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao. "Ma, buntis ako kaya hindi ako pwedeng magpakasal sa lalaking sinasabi mo pero kung ipagpipilitan mo talaga, sigurado ka bang matatanggap niya ang kalagayan ko ngayon?" Walang pag-aalinlangan niyang sambit.
Kita niya ang labis na gulat sa mukha ng kanyang Mama Thelma at Kuya Garett.
Unang nakabawi ang kanyang ina at pinanlisikan siya ng mga mata. "Hindi kita pinalaki para magiging malanding babae Graciella! Ipagpapalagay ko na hindi mo sinabi ang bagay na iyan pero kapag narinig ko pa mismo ulit sa bibig mo ang mga katagang sinabi mo, makikita mo talaga ang hinahanap mo!"
Pinili ni Graciella na talikuran na ang kanyang ina. Kilala niya ito. Alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.
Nasa labas na siya ng bahay nang maramdaman niya ang pagsunod ng Kuya Garett niya sa kanya.
"Huwag mo ng alalahanin ang sinabi ni Mama, Graciella. Hindi ko balak na kuhanin ang pera mo o pilitin kang magpakasal."
Tipid siyang ngumiti. "Alam ko naman yun, Kuya."
Kahit na hindi siya paborito ng mga magulang niya, mahal na mahal naman siya ng Kuya Garett niya. Ito ang nag-aalaga sa kanya mula ng mga bata pa sila. Kung wala ito, hindi siya sigurado kung mabubuhay siya at aabot sa edad niya ngayon.
Ngumiti din ang kanyang kapatid. "Mabuti naman. Pero kahit galit ka kay Mama, hindi parin magandang biro ang sinabi mo kanina, Graciella."
"Sino bang nagsasabing nagbibiro ako Kuya. Buntis ako at plano na naming magpakasal ng ama ng batang dinadala ko."
Nanlaki ang mga mata ng Kuya Garett niya. Mabilis nitong hinawakan ang kanyang braso kasabay ng sunod-sunod nitong mga tanong. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ipinakita dito ang ultrasound picture na ibinigay sa kanya kanina sa ospital. At dahil sa gulat ng kanyang kapatid. Sinamantala niya iyon para makaalis sa bahay nila.
Habang naglalakad siya ay nasapo niya ang kanyang noo. Ano bang nakain niya at sinabi niya dito na magpapakasal sila ng lalaking nakabuntis sa kanya?
Napabuntong hininga nalang siya. Sigurado siyang palalayasin siya ng Mama Thelma niya sa pamamahay nila at ayaw din naman niyang mag-alala ang Kuya Garett niya sa kanya. Kaya kung ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis niya, kailangan niya ng lalaking tatayo bilang ama ng anak niya!
Pero ayaw naman niyang magpakasal sa lalaking gusto ng kanyang ina para sa kanya. Baka mamaya, uugod-ugod na yun o di kaya ay matandang hukluban!
Napakamot siya ng ulo kahit na wala namang makati nang maalala niya ang lalaking naka-one night stand niya isang buwan na ang nakalipas.
Mabilis niyang dinukot ang calling card nito na kanyang itinabi at tinawagan ang numero. Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya kaya hindi na siya naghintay pa ng matagal.
"Hello, Sir. Naalala niyo pa po ba ang nangyari sa hotel La Grande Suite 503 isang buwan na ang nakalipas? Sinabi mo sakin na tatawagan kita kapag may kailangan ako sayo. Ngayon, kailangan ko ang tulong mo. Hihintayin kita sa Civil Affairs Bureau dito sa Makati dahil kailangan mo akong pakasalan…"
Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang pregnancy test kit ni Graciella. Damn! He's going to be a daddy for the second time around. Sobrang saya niya. Pakiramdam niya sasabog ang puso niya sa labis na tuwa. Pero kaakibat ng tuwang iyon, lumukob naman ang takot sa sistema niya. Natigilan naman si Graciella nang mapansin ang reaksyon ni Drake. "H—hindi ka ba masaya?" Malungkot niyang tanong. Dapat ay magtatalon ito sa tuwa gaya ng nangyari noong ipinagbubuntis niya si Dale. But reaction is the opposite that made her chest tightened. "I am happy, wife," sagot naman nito. Napasimangot na siya. "Happy? Is that the definition of happy?! You look like you just lost a billion dollar contract with your face right now, Drake. Hindi ka mukhang masaya!" Galit niyang asik. Agad na hinawakan ni Drake ang magkabilang pisngi ni Graciella. "Listen, wife. Of course I'm happy. Super happy but I'm also afraid, Graciella." Unti-unting kumalma si Graciella at napalitan ng pagtataka ang kany
Kasalukuyan na nakaupo sa rocking chair si Graciella sa malawak na balkonahe ng Yoshida mansion kung saan natatanaw niya ang napakalawak na garden sa ibaba habang nasa mga bisig niya si Dale at mahimbing na natutulog. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang mamula-mula nitong pisngi at kumikibot na nguso. Ilang sandali pa'y napasulyap siya sa pagbukas ng malaking gate. Oras na ng tanghalian kaya alam na niya kung sino ang dumating. Magmula ng manganak siya, palaging nasa tabi niya si Drake. Tumutulong ito sa kanya sa pag-aalaga sa anak nila kahit paman busy ito sa opisina. Umuuwi din ito tuwing oras ng tanghalian para sabayan siyang kumain. Sa ngayon, hindi pa sila kumukuha ng yaya ni Dale. Mas nais niyang siya mismo ang mag-alaga sa anak niya hanggang sa lumaki ito. Kasalukuyan din na nasa Interim Management ang Nagamori Empire dahil hindi pa naman siya handang hawakan ang negosyo ng pamilya ng mga magulang niya. Sa ngayon ay ang kanyang ina pa ang tumatayon
Pagkalapag ng ereplanong sinasakyan ni Drake, agad niyang hinugot ang kanyang cellphone para tawagan si Graciella subalit walang sumasagot dahilan para kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Did something happened to his wife?Pagkalabas niya ng airport, agad na sumalubong sa kanya si Owen. Nagmamadali naman siyang sumakay sa sasakyan na nakahanda para sa kanya."Drive fast, Owen, Graciella isn't answering the phone!" Maawtoridad niyang utos."Hindi po talaga makakasagot si Miss Graciella, Master Levine, kasi nasa ospital po siya ngayon," mahinahon nitong wika.Marahas siyang napatingin sa lalaki. "Hospital? Why? May nangyari ba sa kanya?""Sabi po ni Madam Aurora naglalabor na daw po si Miss Graciella—""Then what are still doing there! Puntahan na natin ang asawa ko!" Natataranta niyang wika.Patakbo namang nagtungo sa driver's seat si Owen at pinausad na ang sasakyan papunta sa ospital kung saan naroon ang asawa ng boss niya. Halos hindi pa nga sila nakapark ay binuksan na ni Maste
"Do I really need to go?" Tanong ni Drake habang nakaupo sa kama nilang mag-asawa.She was resting also in their bed, leaning on the headboard with her big fat belly. Huminga siya ng malalim bago tumango. Kagabi pa ito tanong ng tanong sa kanya. Pero alam naman niya kung ano ang ibig sabihin nito. He just wanted her to tell him not to go."Ano ka ba naman. That's an important meeting, Drake. Tsaka umalis karin naman noong nakaraang buwan and nothing's wrong with it," mahinahon niyang tugon.Sa pagkakataong iyon ay bigla nalang itong humilata sa kama kahit na nakabihis na. Never did she imagine that this cold emotionless billionaire husband of hers is such a big baby."Parang ayoko ng tumuloy. Maybe I could just send one of the board members. Ano sa tingin mo?" Anito at mukhang nagpapacute pa."Since when did you start slacking off? Akala ko na magsisipag ka para bigyan kita ng kapatid ni Dale?" Sarkastiko niyang turan.Sa sinabi niyang iyon ay mabilis na napabalikwas ng bangon si Drak












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak