Mas lalong nakaramdam ng kaba si Arata nang wala siyang nakuhang sagot mula kay Levine at pawang katahimikan lang. Muli pa niyang sinipat ng tingin ang kanyang suot pero wala talaga siyang mahanap! Nang akmang tatanungin niya si Levine kung tungkol s
aan ang papel pero pinatayan na siya nito ng tawag.
Pabagsak na napaupo si Levine sa kanyang swivel chair at napasabunot pa sa sarili niyang buhok. Pakiramdam niya sasabog na ang ugat niya sa noo ng wala sa oras. Hindi na nga siya nakatulog ng maayos kagabi tapos nadagdagan pa ngayon!
Pakiramdam niya may pumipigil sa kanya para makuha ang papel at malaman kung ano ang laman niyon. Siguro ito na ang resulta ng pagiging maluwang niya kay Beatrice!
Nagpupunas naman ng pawis si Arata. Pakiramdam niya nakagawa siya ng malaking kasalanan kay Levine kaya hindi siya mapakali. Hindi niya inaasahang napakaimportante pala ng coat sa pinsan niya. Hiniram lang naman niya iyon dahilay blindate siya!
Nasa ganun siyang sitwasyon nang isang napakagandang