Nagkatinginan naman ang mga empleyado sa labas at mapigilan ang sarili na magbulungan lalo na ang grupo nina Greta.
"Tingnan mo nga naman itong si Graciella. Kung makaasta akala mo kung sino tapos magkakamali rin pala," natatawa pang sambit ng babae.
"Ang yabang-yabang niya kasi. Kinarma tuloy," segunda naman ni Eva.
"Pasensya ka na talaga, Graciella. Kasalanan ko ang nangyari," ani Clara sa mababang tono.
Tipid na ngumiti si Graciella bago tinapik ang balikat ng babae. "Wala kang kasalanan, Clara at wag ka ng masyadong mag-alala pa, ako na ang bahala dito. Bumalik ka na sa trabaho mo."
Huminga ng malalim si Graciella. Mukhang mapapasabak yata siya ngayong araw sa isang hindi magandang laban. Napailing nalang siya bago dinampot ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero ni Beatrice. Nakailang dial pa siya bago tuluyang sinagot ng babae ang tawag.
"Pasensya na kayo sa abala, Miss Beatrice pero pwede ko bang matanong kung nasa inyo na ang official receipt ng sasakyan? Wala kasi dito s