Naiyukom ni Beatrice ang kanyang mga palad. Graciella is clearly mocking her and right now, she can't do anything about it!
Nakakainis!
Agad namang nagpresinta si Oliver na ihatid si Graciella para tuluyan ng maputol ang tensyon sa pagitan ng dalawang babae pero mariing umiling si Graciella.
"Maraming salamat, Sir Oliver pero dala ko po ang scooter ko at mas mabilis akong makakabalik sa trabaho kung yun ang gagamitin ko. Isa pa ay boss kayo ng kumpanya kaya alam kong busy kayong tao," anito bago sila tuluyang tinalikuran.
Nang mawala na sa paningin nila si Graciella, saka palang nakahinga ng maluwag si Beatrice. Napagtanto niya rin na pinagpapawisan pala siya habang kaharap ito. Kahit na nakangiti sa kanya si Graciella, pakiramdam niya aping-api siya ng babae.
"Look what you've done, Beatrice!" Boses ng Kuya Oliver niya ang pumukaw sa kanya.
Napatingin naman sa kanila ang security guard at receptionist. Kahit na naiinis si Oliver sa ginawa ni Beatrice, kapatid niya parin ang babae at