Graciella needs to be fired right away! And she will use the most deadly weapon she knows to hurt her! Two birds in one stone! She giggled with her idea.
Agad siyang bumalik sa banquet hall at nilapitan si Levine. Pinukol naman siya ng lalaki ng isang malamig na titig na hindi niya pinansin. Matamis siyang ngumiti sa lalaki bagi nagsalita.
"Levine, may favor ako sayo. Sana pagbigyan mo ako," malambing niyang turan.
Bumuntong hininga si Drake bago sumagot. "What favor?" Naiinip nitong bigkas.
"Gusto ko kasi na sarili kong boses ang gagamitin sa movie na gagawin ko. Pwede mo ba akong tulungan?" Aniya at sinamahan pa ng pagpapacute.
Nagsalubong naman ang kilay ni Levine na para bang hindi ito naniniwala sa kanya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Beatrice?" Tanong pa ng lalaki at hindi talaga itinago ang pagdududa at sarkasmo sa boses nito.
Kahit na nasaktan siya sa reaksyon ni Levine, iwinaksi niya iyon sa isipan niya at pinagbutihan pa ang kanyang pag-acting. "Gusto kong patunayan sa mg