HINDI makapaniwala si Kent na mayroon siyang anak. Sa kotse palang kanina ng sinabi ni Atasha na mayroon itong ipapakilala ay kinakabahan na siya dahil ang buong akala niya ay mayroon na itong asawa or Boyfriend pero ng makita niya ang malungkot na muka nito sa kotse ng tinanong siya kung ayaw ba niya ay nagbago na ang isip niya.
Ayaw niyang nakikitang malungkot ang dalaga. Ang gusto niya ay palagi itong masaya.
Sa puntong ito ay siya ang nakaramdam ng sobrang saya.
Isa na siyang ama.
Ama sa anak ng bababaeng matagal na niyang mahal at hinahanap.
“Halina na kayo sa kusina para makapaghanda na tayo ng makakain.” sabi ng Mama ni Atasha ng humiwalay na ito sa ina. Pinunasan na niya ang luha niya at inayos ng unti ang sarili para h