"HEY, are you okay?" usisa ni Clyde kay Callie nang sulyapan niya ito sa passenger seat. Napansin niya na seryosong nakatuon ang mga mata nito sa tinatahak nilang kalsada at tila napakalayo nang iniisip.
Tipid na nginitian siya ni Callie pagkatapos, nilingon siya nito. "May iniisip lang ako."
Tumango si Clyde. "May nangyari ba kagabi pagkatapos kong umalis?"
Napansin ni Clyde ang pag-aalinlangan sa mukha ni Callie dahil sa sinabi niya. Yumuko ito at nilaro-laro ang mga daliri sa kamay.
"Wala," tugon ni Callie sabay tumingin sa labas ng sasakyan.
Napakunot si Clyde at mas lalo pang na-curious. "You're hiding something from me."
Lumingon sa kaniya si Callie, nakakunot at may lungkot sa mga mata.
"It's written all over your face," dagdag pa niya.
Bumuntonghininga si Callie at matamlay siyang nginitian. "There is someone I would like you to meet."
Ngumuso siya at sumimangot. "Lalaki ba 'yan?" pabiro niyang tanong.
Natawa si Callie sa naging tugon niya. Napangiti na rin siya dahil kahit pa