NASA gitna na sila ng daan ni Angelo, hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti habang tinatanaw ang mga kalyeng dinadaanan nila.
"Salamat talaga ah, buti ka pa pinapakinggan mo ako, iyong apat kasi ayaw akong paniwalaan kesyo daw kasi para din naman sa safety ko at sa baby ko ang manatili ako sa loob ng malaking bahay na iyon. Hindi ba nila naiisip na nakakabaliw makulong sa bahay na iyon maghapon? Mas gusto ko pa dun sa apartment ko 'e, kaya't tuwang tuwa talaga ako ng pumayag kang ilayo ako dun," basag niya sa katahimikan.
Tumingin sa kanya si Angelo sakto din kasi tumigil sila dahil sa traffic light. "No problem, basta ikakasaya mo handa ako tulungan ka, Ambi." Ngumiti ang lalaki.
Ngumiti siya ng matamis at inalagay ang kamay sa balikat ng kaibigan. "Yiee kaya'y ikaw talaga pinaka-close ko sa kanila e, naiintindihan mo ako."
Matagal siyang tinitingan ng lalaki na tila ba pinag-aaralan nito ang kanyang mukha bigla tuloy siya naasiwa.
"Ba't ganiyan ka makatingin?" nagtatakang tanon