MULING MAGING AKIN
Chapter 118:
ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –
.
.
.
Kakarating lang namin dito sa isang private hospital dito sa Maynila. Mabilis na inasikaso ng mga kinuha ni Jasper na private doctors at nurses si Zanyca. Tama nga ang asawa ko, mas advance ang technology dito at matutukan ang gamutan ng anak namin.
Kami lang muna ni Jasper ang pumunta dito sa Maynila, susunod na lang dito sila mama. Hindi kasi nila pwede basta iwan ang mga alagang hayop at pananim doon. Hindi ko na din pinayagan si Zabrynna dahil baka mapano pa siya dito. Hindi naman siya pababayaan ni Cosmo.
Malaki ang hospital room ni Zanyca, mayroon din sariling pantry at refrigerator. May kasama na din na malapad na sofa at malaking T. V., malawak din ang banyo. Sa itsura ng kwarto ay hindi ko masabing hospital ito, mukha na kasing hotel room sa sobrang ganda. Pang VIP talaga.
Nagpadala na lang si Jasper ng mga pamalit naming damit sa tauhan niya. Tulog pa sa ngayon si Zanyca. Sa chopper kami sumakay papun