MULING MAGING AKIN
Chapter 119:
ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –
.
.
.
Tumango ako kay Jasper kahit natatakot ako sa mga maaari kong malaman. “H-handa na ko. Sabihin mo lahat, makikinig ako.” Nag buntong hininga pa ako, inabutan naman muna ako ni Jasper ng inuming tubig na kaagad ko naman inubos.
Muli niyang pinagdaop ang mga palad namin. Huminga siya ng malalim at tumitig sa mga mata ko.
“On the night of our first wedding anniversary, I was really planning to give you the annulment paper because I want to cut our one year agreement. I'm planning to propose to you the next day.”
Naguguluhan akong nakatingin lang sa kanya pero hindi pa rin ako nagsasalita. Gusto ko muna marinig lahat ng sasabihin niya.
“Humingi ako ng tulong kay kuya Japeth para surpresahin ka, tumulong silang mag-asawa sakin. Kaya din anong oras na ako nakauwi ng gabing yun dahil sinigurado ko na kumpleto at maayos na ang lahat bago pumutok ang umaga. Hindi ko naman akalain na mabilis mo akong iiwan. Akala ko noo