MULING MAGING AKIN
Chapter 123:
ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –
.
.
.
“Mommy, why papa Sven is not visiting me? I miss him already.” Inosenteng tanong ni Zanyca habang pinapakain ko siya. Lumingon ako sa asawa ko na kasalukuyang may kausap sa cellphone niya, nakatayo siya malapit sa bintana. Palagay ko ay narinig niya ang sinabi ng anak namin dahil biglang nag salubong ang mga kilay niya.
Muli ko sinubuaan ng pagkain si Zanyca bago ako nagsalita. “Your papa Sven is kind a busy, baby. But he told me last time that he misses you too.”
“Really? I want to see papa Sven, mommy. Darating naman siya sa birthday ko diba po?” Puno ng pag-asa na tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag ang sitwasyon namin ang tungkol sa amin ng papa Sven niya. Alam ko na malulungkot ang anak ko kapag wala si Sven sa kaarawan niya.
Naramdaman ko ang presensya ng asawa ko na papalapit.
“Do you really want to see him?” Tumango naman si Zanyca. Nag-aalangan naman ako dahil baka makita ng bata na magalit