Nakakunot ang noo ni Lucian habang iginagaya niya ako sa labas ng mansion. Medyo nakatulog na siya kanina pero ginising ko dahil bigla akong nag-craving ng mcdo. Pero gusto ko drive-thru kagaya nong date namin dati.
“We could just order and make it deliver here,” pagkukumbinsi niya sa akin.
“Ayaw ko nga ng deliver! Gusto ko drive-thru! Sa kotse ko kakainin habang nagmamaneho ka!” naiinis ko nang sabi.
I sighed heavily. “You don’t understand me!” reklamo ko.
Umirap ako nang makita kong hinilot niya ang sentedo niya. Mukhang ang lalim na nang tulog niya kanina pero ginising ko.
He opened the car door for me. Pinanliitan ko siya ng mata bago pumasok sa loob. Nanatili akong nakahalukipkip kaya siya na ang naglagay ng seatbelt ko.
“Ayaw mo ba?” inis kong tanong sa kanya.
“It’s almost twelve, Scarlet. You should be sleeping at this hour,” sagot niya. Pero hinalikan niya rin ako sa noo matapos niyang isabit ang seatbelt sa akin.
“I could also wake up late. Gusto ko lang na kagaya dat