******
“Sorry, hindi ko lang maiwasan na hindi kabahan at mag-isip ng kung ano. Anyway kamusta pala si Maricel? Hindi ba't ngayon siya mag-aapply ng trabaho?” Tanong ko tapos nag-lakad na ulit kami.
Iniba kona ang usapan, kinakabahan talaga ako kapag ganoon ang topic namin. Kukuha lang din ako ng lakas. Ok na sakin na sa sabado niya sabihin kela mommy. Mas okay na rin maging legal kami at malaman ng mga tao ang relasyong meron kami ni Jace. Ang hirap din ng nag-tatago.
“Hindi pa siya nag-tetext sa akin. Baka busy sa interview. Sana nga makapasa siya at makapag-simula na ng trabaho. Sa kanya umaasa si Nanay Meng.”
Seryoso niyang sagot. Si Maricel pala talaga ang inaasahan ng kanyang pamilya. Sana nga makapasa na ito sa pinag-aapplyan niya para makapag-simula na ng trabaho.
“You really don't want me to help her get into the company? She can start work there immediately. She will surely earn good income. It's also close to the apartment na kinuha niyo.” Sambit ko bago siya