Nang matapos ako sa pag-aayos ay tinawagan ko sila Chantal ng mag-text sila sa akin na wala silang prof ngayon. Kinuwento ko sa kanila ang nang-yari at ang pag-alis namin ngayon patungo sa batangas.
Pagkatapos ko silang makausap ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Sa sala ko nalang sila hihintayin kaso akala ko ako na ang unang natapos mali pala ako dahil naabutan ko doon si Jace na nakaupo sa mahabang sofa at seryosong nakatingin sa kanyang cellphone. Nang-maramdaman niya ang presensya ko ay nag-angat siya ng tingin.
Tinapik-tapik niya ang kanyang tabi, pinaparating na tumabi ako sa kanya. Pero nag-alangan ako.
“Nasaan sila mommy at daddy?” Tanong ko dahil baka makita nilang magkatabi kami at iba ang kanilang isipin.
“Umalis sila bumalik sa kompanya.” Seryosong sagot niya.
“Bumalik sa kompanya? anong gamit nilang sasakyan?” Nag-tataka kong tanong.
“Kotse ni Tito, siya na rin ang nag-drive. Kakaalis-alis lang nila. May tumawag kase sa kanila at pinapabalik