Napakarami na nilang pinagdaanan, tila ba mas marami pa yung hindi magandang memories kesa sa mga magaganda. Hanggang kailan ba sila magtitiis? Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?
“Pasensya ka na kung minsan makasarili na ako ha? Sana hindi ka magsasawang intindihin ako.” Malambing na saad ni Czarina saka niya tiningnan ang asawa niya.
“Bakit kita susukuan? Naging akin ka ng wala man lang kahirap-hirap kaya hindi kita hahayaang mawala sa akin. Mabilis mang naging akin ka pero hindi ka ganun kadaling makakaalis sa akin. You’re my wife at simula nang dumating ka sa buhay ko marami akong mga natutunan. Marami kang pinaranas sa akin. Iminulat mo ako sa maraming bagay kaya huwag mong iisipin na susukuan kita dahil kahit dumating na sa puntong mahirap ka ng intindihin hinding hindi kita susukuan. Mark my words, love. I will never let go of your hand kahit na nasa pinakamahirap na tayong sitwasyon.” Tumango at matamis na ngumiti si Czarina. Gusto niyang siilin nang halik ang labi ng asawa