Napakarami na nilang pinagdaanan, tila ba mas marami pa yung hindi magandang memories kesa sa mga magaganda. Hanggang kailan ba sila magtitiis? Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?“Pasensya ka na kung minsan makasarili na ako ha? Sana hindi ka magsasawang intindihin ako.” Malambing na saad ni Czarina saka niya tiningnan ang asawa niya.“Bakit kita susukuan? Naging akin ka ng wala man lang kahirap-hirap kaya hindi kita hahayaang mawala sa akin. Mabilis mang naging akin ka pero hindi ka ganun kadaling makakaalis sa akin. You’re my wife at simula nang dumating ka sa buhay ko marami akong mga natutunan. Marami kang pinaranas sa akin. Iminulat mo ako sa maraming bagay kaya huwag mong iisipin na susukuan kita dahil kahit dumating na sa puntong mahirap ka ng intindihin hinding hindi kita susukuan. Mark my words, love. I will never let go of your hand kahit na nasa pinakamahirap na tayong sitwasyon.” Tumango at matamis na ngumiti si Czarina. Gusto niyang siilin nang halik ang labi ng asawa
Gaya ng dati ipinakita lang ng nurse ang vital signs ni Kalix sa monitor at ipinaliwanag ito.“Binawasan ulit nila doc ang settings ng ventilator ni baby and tolerable niya naman mommy. Pinapabili na rin po kayo ni doc ng ram cannula para kapag na-extubate si baby yun na lang ang gagamitin niya. Aalisin na po itong tubo niya kung sakali mang magpatuloy ang recovery ni baby.” Sa narinig ni Czarina para bang bumilis ang tibok ng puso niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Masaya pero natatakot. Masaya siya dahil maalis na ang tubo ng anak niya, natatakot din dahil paano kung biglang hindi kayanin ng anak niya ng walang suporta ng ventilator?Humugot ng malalim na paghinga si Czarina.“Ito mommy yung reseta ng ram cannula niya. Magtanong na lang po kayo sa pulmonary office kung available po yan.” Ibinigay na ng nurse ang reseta. Tumango lang naman si Czarina. Sana ay magtuloy tuloy na ang paggaling ng anak niya hanggang sa mailipat sila sa ward at hanggang sa makauwi na ulit si
“Maupo ka,” saad ni Czarina kay Natalie. Naupo naman si Natalie.“Gusto ko sanang mag-apply ng trabaho dito. Okay lang kahit cleaner, janitress o kung papayagan mo ay maging intern.” Wika ni Natalie.“What happened to your current job?” seryosong tanong ni Czarina. Nahihiyang yumuko si Natalie saka nilaro ang mga daliri niya.“Mababa kasi ang sahod bilang intern. Hindi kasya sa maintenance fee ng condo ko, pangkain ko, gasolina at panghulog sa mga credit card ko. Binenta ko na kasi lahat ng mga branded bags ko, heels at mga damit pero nagkulang pa rin para mabayaran ko lahat ng utang ko sa credit card ko. Nabalitaan ko kasing itinaas mo ang sahod sa lahat ng mga empleyado. Yung sahod ko sa kompanyang pinagtatrabahuan ko, sahod lang cleaner niyo dito sa kompanya. Isa pa hindi rin kasi maganda ang trato sa akin ng mga katrabaho ko dahil I once a princess daw to pulubi real quick. Hindi naman ako nagrereklamo sa mga trabaho ko pero pinapabigat lalo ng mga katrabaho ko ang mga ginagawa ko
Nakapagfocus si Czarina sa mga trabaho niya sa kompanya dahil kahit papaano ay magaan ang loob niya. Halos lahat ng mga naiwan niyang trabaho ay natapos niya pati ang mga dokumento na kailangan niyang basahin at aprobahan.“Come in,” sagot niya nang may kumatok sa pintuan niya. Nasa laptop at mga papeles pa rin ang atensyon niya. Pumasok naman si Owen na may dalang meryenda. Tinitigan ni Owen si Czarina, pansin niyang nakafocus talaga ito sa mga trabaho niya. Mabuti na rin yun para hindi na lang siya iyak nang iyak kapag naaalala niya ang anak niya.“Magmeryenda ka muna para may lakas ka pang magtrabaho.” Agaw atensyong saad ni Owen. Iniangat naman ni Czarina ang paningin niya. Si Owen pa rin ang partner niya hanggang ngayon sa project nila.“Thank you, siya nga pala basahin mo ‘to. Nabasa ko naman na rin yan, tingnan mo kung aaprobahan mo.” Iniabot ni Czarina ang isang envelope na maraming mga papeles.“What do you think about this? Approve ba sayo?” tanong ni Owen. Pinasadahan niya
“I’m sorry babies, nagulat lang si mommy. Gising na kayo, kakain na tayo.” Saad niya. Bumangon naman na ang kambal kaya ibinaba na sila ni Tyrone sa kama. “Bakit ngayon mo lang ako ginising? Alam mo namang isang oras pa ang byahe natin papunta sa hospital, paano kung traffic pa?” mahina niyang saad pero may diin. Naiinis dahil hindi man lang siya ginising ng asawa niya ng mas maaga.“Tumawag na ako sa nurse, sinabi ko na male-late lang tayo. Sabi niya okay lang naman, i-eextend niya na lang yung oras ng visit natin.” Nakahinga naman ng maluwag si Czarina. Simula nang mapunta sa ICU ang anak nila kahit kailan ay hindi siya nalate. Kulang na kasi ang isang oras sa kaniya mababawasan pa ba?Sabay-sabay na silang kumain ng umagahan. Masayang kumakain ang kambal dahil napasarap ang tulog nila katabi ang mommy nila.
Madilim pa lamang ay gising na si Czarina kahit na madaling araw na siyang nakatulog. Gusto pa sana niyang matulog pero gising na gising na ang diwa niya kaya bumangon na lang siya. Tiningnan niya ang asawa niyang mahimbing pang natutulog. Gabi na rin umuuwi si Tyrone dahil sa dami ng ginagawa nito sa kompanya ng pamilya nila at sa sarili niya namang negosyo. Hindi niya na lang ito ginising para makapagpahinga pa. Alam ni Czarina na pagod na pagod na ang asawa niya dahil malalim na ang mga mata nito, bakas na rin ang naglalakihang eyebugs.Alam niyang kahit na nasa trabaho na ito, iniisip pa rin ni Tyrone ang anak nilang nasa loob pa ng ICU. Pareho silang natatakot na makatanggap ng tawag mula sa nurse at doctor ng ICU dahil hindi nila alam kung anong ibabalita sa kanila sa kalagayan ng anak nila. Sa tuwing may tumatawag sa mga cellphone nila, abot na ang kaba at takot na nararamdaman nila.