Chapter 13 - Stay away from me!
Malapit nang matapos ang semester. Malapit na akong grumadweyt. Tapos ko na rin lahat ang mga undergraduate subjects ko at ang natitira nalang ay ang internship. Sa Pilipinas, kahalintulad ito ng on-the-job training o OJT sa actual na kumpanya o opisina. Umpisa pa lang ng second semester ng 4th year ko ay nag-apply na agad ako ng internship sa tatlong kumpanya. Ang tatalong ito ay mga malalaki at kilalang kumpanya sa larangan ng marketing at advertising. Kung makakapasa ako sa isa sa tatlong ito ay isang malaking karangalan at opportunity. Sa mga kumpanyang dito kasi ako matututo ng actual ng ginagawa sa marketing at advertising.
Nag-apply ako sa Publis Worldwide, Ogilvy at McCann World group. Pumasa naman ako sa exm at interview sa tatlong naturang kumpanya. Pipili na lang ako kung saan ko gustong mag-intern.
Pinili kong mag-internship sa McCann World group dahil maganda ang approach nila sa Marketing. “Truth Well Told as its founding -- and end