Marahan kong pinahid ang luha na tumulo na pala sa pisngi ko. HAHA ang hina ko naman. Bakit ba ako umiiyak.
Totoo namang mahirap lang ako e. Ano namang laban ko sa kanya. Mayaman. Maganda. Tapos nabibili ang mga gustong bilhin.
"Sana di na kita makitang kasama sya, Lilienne." Sa wakas ay humarap na ito sa'kin. Nginitian ako nito pero halata namang pinipilit nya lang iyon. Hindi ko makitaan ng kabaitan ang mga mata nya. Tumayo sya at nawala na sa gitna ng mga kumpol ng estudyante na papunta sa kani-kanilang classroom.
Marahas kong pinunas ang luha sa pisngi ko at tumayo na rin.
"Sorry, Lienne. Nauna na ako pero nagchat naman ako sa'yo. Di mo ba nakita?" Tanong ni Kristal na hindi ko naman masyadong naunawaan. Tumango na lang ako. Habang si Nadine naman ay nasa huling upuan at nakatingin lang sa mismong unahan.
Umupo na lang ako at kumuha ng notebook.
"Who among all of you still remember our topic last friday?" Tanong ni Sir Lucas. Tiningnan ko lang ito ng hindi alam ang iisipin.
Sa si