Kinabukasan, maaga akong nagising. Naligo na ako at nagbihis ng pang-alis bago lumabas ng kwarto. Binabalak ko magluto ng sinigang na karneng baboy. Marami pa naman akong biniling ulam na nasa ref.
Nakapagluto na ako pero hindi ko pa rin nakikita si Hector sa labas. Tanging tricycle lang nito na nasa garahe ang natatanaw mula rito sa salas.
Kaya naman lumabas na ako at pinuntahan ito sa kanyang kubo. Sakto naman na naabutan ko itong nakaupo sa hagdan ng kanyang kubo habang nagkakape.
Hindi ko ginustong mamalayan nito ang paglapit ko. Ngunit malayo pa lamang ay nakatitig na ito sa paglalakad ko tila inaantay ang paglapit ko.
"Nakapagluto na ako ng ulam." Panimula ko rito.
"Sinigang na baboy?" Tanong nito bago tumayo at ipinatong lamang ang tasa sa hamba malapit sa pintuan ng kubo.
"Amoy ko rito." Dugsong nito dahil halata ang pagtataka sa hitsura ko.
Nagsimula na akong maglakad pabalik dahil naglakad na rin ito kasunod ko.
"Nakaayos ka yata ng bihis ngayon? May pupuntahan ka?" Tanong