"P-para saan? Hindi mo kailangang ibigay sa akin iyan. Sa asawa mo na lang. Kapag umuwi ka sa inyo."
"Dito ako kumakain. Wala naman akong share sa mga niluluto mong ulam. Ambag ko na iyan." Sagot nito.
"H-hindi na. Libre na iyon." Sagot ko ulit. Hindi ko pa tinatanggap ang iniaabot nitong pera kaya nanatili iyon sa ere.
"Pandagdag para sa gastusin dito sa bahay, Lilienne." Pagmamatigas nito kaya napilitan akong tanggapin iyon. Inilagay ko iyon sa bulsa at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Wala akong asawa, Lilienne." Wika nito bago maupo sa tapat ko.
Kumain na rin ako. At pagkatapos ay naghugas naman si Hector ng mga pinagkainan. Habang ako naman ay nanatili sa salas upang manood ng Tv.
"Akala ko ba gusto mo ng ginataang gabi? Ni hindi nabawasan iyong ininit ko." Wika nito nang makalapit sa salas. Dala ang isang platito na may sawsawan ng mangga. Umupo ito sa malayong bahagi ng sofa matapos ilagay sa mini table ang mangga at bagoong.
"Di ko na gusto non." Wala sa sarili kong sagot. Ku