"Can I talk to you?" Hinabol ko pa ito nang makalabas sa huling subject nito ng hapon na iyon.
"Yes, sir? About what?"
"Where is Lilienne?" Tanong ko kay Miss Kai Bautista, isa sa alam kong kaibigan talaga ni Miss Dela Merced.
"I'm sorry, sir. Wala po akong alam sa kung saang lugar ito pumunta. H-hindi ho nasabi." Nagmamadali itong umalis. Naiwan akong walang matinong sagot na nakuha.
"Miss Raferty, can I talk you?" Palimang araw na hindi ko makita si Lilienne.
"Yes, Sir Lucas?" Magalang ngunit nahihiyang tanong ni Aika.
"Ah, do you know where Lilienne was?" Tanong ko rito na hindi ko rin nakuhanan ng sagot.
Even Kristal Monterde.
Lahat sila umiiwas sa tanong na iyon. I know something's going on.
"Damn!" Sigaw ko sa loob ng opisina. Itinapon ko rin ang baso ng alak na iniinom ko dahil sa inis.
"Kalma, Sir Lucas." Biro ni Maximo, ang kanang kamay ni Daddy. Na noon pa man ay parang tagapagbantay ko na. Madalas ako nitong ipagmaneho at samahan sa Mindoro.
"Makinig ka sa body guard mo