Kierra’s mouth hung open. “I didn’t even know you were coming. You shocked me showing up at the conference room! You didn’t even inform me,” she grumbled while gently poking his forehead.
Tumayo si Kierra habang pinapagpag ang kanyang damit, kunwari’y may alikabok, pero hindi siya pinakawalan ni Aiden. Agad siyang niyakap nito nang mas mahigpit sa bewang. Ramdam niya ang init ng palad nito na tila ba humihiling ng kaunting sandali pa sa kanyang bisig.
“And who’s that guy?” tanong ni Aiden bigla, ngayon ay seryoso na—walang bakas ng biro o lambing sa kanyang tinig. Bumagsak ang kanyang mga kamay sa gilid at nagbago ang buong kilos at ekspresyon niya—parang may biglaang bagyong bumalot sa kanyang paligid.
“Huh? Who?” Kierra blinked, hindi niya agad nakuha ang ibig niyang sabihin. Napatulala siya ng ilang segundo habang pinoproseso ang galit ni Aiden. Nang mapansin ang biglang pag irap nito, doon lang tuluyang pumasok sa isip niya kung sino ang tinutukoy nito.
Napabuntong-hininga si Kierr