LOGINIkakasal na sana si Belinda kinabukasan, pero sa gabing iyon ay nahuli niya ang kanyang mapapangasawa na may ginagawang kababalaghan kasama ang isang babae. "Cancel your wedding with that cheater and marry me instead." Ito ang mga katagang tinuran ng isang taong hindi kilala ni Belinda na bigla na lang sumulpot sa tabi. Bibigyan ba niya ng isang pagkakataon ang kanyang mapapangasawa? O magpapakasal na lang siya sa taong bigla na lang sumulpot sa magulong sitwasyon ng kanyang buhay?
View MoreCHAPTER 1
Masayang naglakad ng mabilis si Belinda paakyat sa pangalawang palapag kung nasaan ang magiging kwarto nila ng magiging asawa pagkatapos ng kasal.
Nakangiti ito at walang mapaglagyan ng saya ang nararamdaman niya dahil hindi siya makapaniwalang bukas na ang kasal nila ng taong mahal niya. Pero naglaho ang saya at napalitan ng kaba nang makarinig siya ng vngol.
"Sige pa--ah, Danilo. B-Bilisan mo pa!"
Sandali siyang natigilan sa paglalakad, pero nang muli niyang narinig ang halinghing at ungol na iyon, humigpit na lang ang hawak ni Belinda sa strap ng bag niya para kumuha ng lakas.
Sinubukan niyang huwag mag-isip ng masama. Tinapangan niya ang sarili at mabagal na naglakad papunta sa master bedroom kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Nakabukas ang pinto at sa mismong pintuan ay may pulang panty. Nanginig ang kamay niya habang tahimik na sumilip sa siwang at doon ay malinaw niyang nakita ang nangyayari sa loob.
"G-Ganyan nga! Ahh! Ang galing mo.... Ugh!"
Kitang-kita niya ang kababuyan ng mapapangasawa niya sa mismong kama na siya mismo ang pumili.
Bukas na ang kasal nila pero heto siya, nakatitig at halos mawalan ng malay dahil sa nakita. Iba ang saya na naramdaman niya noong dumating siya rito, pero ngayon, parang nawala na ang lahat ng ligaya nang makita niya kung gaano nagpapakasarap ang lalaking papakasalan niya sa ibang babae.
Hinawakan ng mahigpit ni Belinda ang strap ng bag nang marinig ulit ang ungol ng babae na nasa loob ng magiging kwarto nila bilang mag-asawa.
Bago pa makapag-isip ng tama si Belinda, agad na niyang binuksan nang malaki ang pinto, rason kaya tuluyang nakita ng dalawang taong nasa kama si Belinda.
“Babe!”
Nabigla at agad tumayo si Danilo para kunin ang kanyang shorts mula sa tabi habang tila walang pakialam ang babae at hinila lamang ang kumot para takpan ang katawan niya, na walang halong takot o kaba.
"B-Babe, let me expl—"
Isang sampal ang ibinigay ni Belinda kay Danilo nang lumapit siya, gamit ang natitirang lakas niya.
"Explain what? Ano bang magandang explain ang sasabihin mo sa kababuyang 'to, Danilo?"
"Naglalaro lang kami, she is just a friend," sambit ni Danilo at mariing pumikit na para bang nagsisi agad na iyon ang ginamit niyang dahilan.
Natawa ng sarkastiko si Belinda sa narinig.
"Anong tingin mo sa akin? Tanga? Bata? Magkapatong kayo, umuungol siya tapos sasabihin mong naglalaro kayo?"
Napapikit na lang siya nang maalala ang nakita nilang posisyon kanina. Naninikip ang dibdib niya at hindi matanggap ang lahat.
"Belinda—"
Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ni Danilo gamit ang paos at basag na boses.
"Ikakasal na tayo bukas, D-Danilo!" Dumaloy ang sunod-sunod na luha sa mata niya pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nilibot niya ang tingin sa paligid at tumigil ito sa litrato nila na nagtulungan pa silang ikabit noong isang araw.
"At ano? Magrarason ka pa talaga ng walang kwentang rason?!" Napalitan ng galit ang boses niya. Lumapit siya para itulak at hampasin ng buong lakas si Danilo.
"Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Manloloko! Taksil—"
“Stop it. Just listen to me—”
“No! Gagò ka! Taksil ka!” Hindi tumigil si Belinda sa paghampas na kahit nanghihina ay ginawa niya pa rin ang lahat para hampasin si Danilo.
"Kasalanan mo!" Nanlaki ang mata ni Belinda sa biglaang pagsigaw ni Danilo. Hinawakan pa ni Danilo ang dalawang kamay ni Belinda para matigil ito sa paghampas sa kanya.
"Oo, taksil na kung taksil, pero kasalanan mo rin naman! Umiiyak-iyak ka dahil sa nakita mo? Kung hindi ka sana feeling high school student at hinahayaan mo akong halikan ka at angkinin ka, edi sana sa iyo ko iyon ginagawa! Kasalanan mo kung bakit ako nagtaksil kasi nagkulang ka! Lalake rin ako, Belinda. Alam kong alam mong may pangangailangan ako kaya huwag kang feeling biktima rito!"
Nanlaki ang mata ni Belinda nang marinig ang lahat ng tinuran ni Danilo sa kanya.
"At talagang sinisi mo pa sa akin iyang kataksilan mo? If you truly love me, you'll never do this shìt!”
Hindi inakala ni Belinda na masasabi ni Danilo ang mga bagay na iyon. Kahit kailan ay hindi niya naisip na masasabi iyon ng taong mahal niya.
At ang lakas pa ng loob niyang isisi ang pagiging taksil niya? Kung kanina ay mas lumamang ang pighati at sakit, ngayon ay tuluyan nang lumamang ang galit sa puso niya.
"Totoo naman, ah. And don't question my love for you because I am ready to marry you even if you are not that pretty and don't even know how to fix yourself."
Napapikit si Belinda sa narinig.
"Let's fvcking cancel the wedding," sambit niya nang napapikit dahil alam niyang kalokohan na lang ito.
"What the hell! You can't do that! You can't fvcking cancel the wedding!"
Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol ni Belinda kay Danilo pagkatapos marinig iyon.
"What makes you think that I can't?" Punung-puno ng panghahamon na sambit ni Belinda na siyang mas nagpagalit kay Danilo.
Sinubukang kumawala ni Belinda sa hawak ni Danilo, pero napadaing na lang siya nang maramdaman ang paghigpit nito.
Napadaing pa si Belinda sa sakit ng pagkakahawak niya, hanggang sa biglang naging haplos na lang iyon, pero sa puntong iyon, nandidiri na ito kay Danilo dahil kitang kita niya kanina kung paano nito ginamit ang kamay para hawakan ang babaeng iyon habang nagpapakasarap.
"Why don't we just forget this? Ikakasal na tayo bukas at ayaw mo naman sigurong malungkot ang lola mo, hindi ba? She already expects you to marry tomorrow, sobrang saya nga niya, hindi ba? Kapag nalaman niyang hindi matutuloy, malulungkot ang lola mo at alam kong hindi mo iyon hahayaang mangyari, hindi ba? Babe, let's forget that this happened, please."
Biglang naging malumanay ang boses niya nang sabihin niya ang mga ito.
Napayuko si Belinda nang maalala ang lola niyang binisita niya kanina lang na sobrang saya at sobrang excited sa darating na kasal niya. Habang nakayuko si Belinda, napangisi naman si Danilo dahil alam niyang hindi ititigil ni Belinda ang kasal nila bukas.
"You can't cancel the wedding, babe. Promise, give me a chance, hinding hindi na ako uulit," sambit ulit ni Danilo, at hawak pa rin ang kamay ni Belinda.
Halos hindi na makapag-isip si Belinda. Gusto niyang itigil na ito, pero naisip niya ang lola niya dahil tama si Danilo, na malaki ang magiging epekto iyon sa lola niya.
"Cancel your wedding with that cheater and marry me instead."
Gulat na napatingin si Belinda sa lalaking nagsalita sa likuran niya. Kakapasok lang nito sa kwarto at hindi niya alam kung saan ito galing at kung paano ito nakapasok.
"James!" Rinig na rin ang gulat na boses ng babae na kanina pa tahimik sa kama.
"Who the hell are you? She's my fiancé—"
"Oh? Fiancé ka pa ba niya? Didn't you hear what she said? She wants to cancel the wedding." That man said and stood up straight.
Lumapit siya kay Belinda at agad na hinila papunta sa tabi niya. That stranger placed his hand on Belinda's waist na talaga namang ikinagulat ni Belinda.
Napatitig na lang tuloy si Belinda sa lalaking iyon habang ang lalaki ay isang tingin lang ang ipinukol sa babae sa kama bago tuluyang hilahin si Belinda paalis sa lugar na iyon.
Chapter 256 – Surprises and RevelationsPaul is one of the richest in the industry, ganoon din naman si Dia dahil sa family background at sa pagiging model at designer nito. Malaki rin naman din ang maipagmamalaki ni Dia.Both of them are used to attention, influence, and being in the spotlight, but today felt different.Walang nakakaalam na may namagitan sa kanya, so Dia expected to be this way, but she was not prepared to see some people shocked nang pumasok si Paul while carrying Alys habang siya naglalakad din na nakasunod sa kanila.Some employees became uneasy, some whispered amongst themselves, and a few even stopped what they were doing, glancing in disbelief at the small family entrance. Gulat na gulat sa nakikita nila.Kahit sino naman ay magugulat. Lalo na at mukhang lahat ay napansin ang intection nila noong unang araw nila, noong contract signing.“Hello po!” Masayang pagbati pa ni Alys sa mga nakatingin sa kanila, her little voice full of excitement and innocence, breakin
Chapter 255“Goodmorning, Daddy!” Masayang bati ni Alys sa ama nang pumasok na ito sa dining area. Halos sumabog ang ngiti ng bata sa tuwa habang nakatayo sa gilid ng mesa, handang salubungin ang kanyang ama.Napaayos si Dia sa pagkakaupo at napairap. Hindi pa rin maalis sa isip niya yakapan na nangyareng iyon kanina paggising niya! But how can she even forget that? Kung hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang bawat hawak at yakap ni Paul sa bewang niya!Dalawa lang sila ni Alys doon dahil may mga pinuntahan na ang mga magulang niya at wala rin naman din ang iba. Ang katahimikan ng umaga ay pinatamis ng halakhak ng anak niya, at kahit ayaw ipakita ay may bahagyang ngiti rin sa labi ni Dia sa paraan ng saya ng anak niya ngayon.“Goodmorning…” Bati ni Paul pabalik sa anak niya. Lumapit ito kay Alys at hinalikan ang noo nito nang marahan, na parang nag-iingat sa maliit na bata. Ang init ng simpleng yakap ay nagdulot ng kakaibang ginhawa sa lahat ng nakatingin.Humagikgik si Alys at kan
Binasa ni Paul ang labi at agad na tumayo para kunin ang blower na sinasabi ni Dia. Pwede naman niyang hintayin na matuyo, pero dahil ayaw na niyang magalit pa lalo si Dia ay pinatuyo na niya iyon gamit ang blower.Pagkatapos matuyo ay bumalik siya sa kama.He adjusted the blanket before finally lying down beside them. Dahan-dahan, hindi nagmamadali, parang takot na baka may magising o magalit.Nang maramdaman ni Dia ang bahagyang galaw sa kama ay halos napatigil ang paghinga niya. Pero mas lalo nang bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman niya ang pagdantay ng kamay ni Paul sa bewang niya.Parang niyayakap sila. Siya at ang anak nila.Napapitlag si Dia. Ramdam niya ang unti‑unting pag-init ng pisngi niya habang pilit niyang dinahan-dahan ang pagtanggal sa kamay ni Paul mula sa bewang niya.Hindi man lang siya tumitingin dito, ayaw niya talagang magkaroon pa ng kahit anong eye contact, pero halos mapasinghap na lang siya nang ilang ulit iyong bumalik...mas mariin, mas kumportabl
Dia looked at herself in the mirror, it was her usual pantulog, pero… bigla niyang naisip na parang ang pangit naman kung ganoon ang suot niya knowing that Paul will stay in the same room with her.At ayaw niya naman na isipin nito na inaakit siya nito...pero ayaw din naman niyang isipin ni Paul na wala na siyang pakialam sa itsura niya. Kaya tuloy parang hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang sarili niya.Napasimangot si Dia, halos umikot ang mata habang iniisip kung bakit ba siya nagkakaganito.“Ano ba kasing pake ko sa sasabihin niya? Sa kung anong iisipin niya?” bulong niyang mariin, as if trying to convince herself na wala siyang dapat maramdaman. Pero kahit sabihin niya iyon nang paulit-ulit, hindi niya maitatangging kinakabahan siya, nahihiya siya, at...ayaw man niyang aminin—may konting excitement din?Napailing ng paulit ulit si Dia habang sinusubukang huwag ng mag isip ng kung ano.Ilang sandali ay napatingin siya ulit sa sarili niya. Napailing siya habang pinagmamasdan






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore