Chapter 107 (Expanded)
“Maupo ka muna, magpapahatid ako ng pagkain. Coffee you want?” tanong ni Kierra habang sinisipat si Zake, pero ang totoo'y lihim niyang sinulyapan si Aiden na mariin ang titig sa kanila. Nakapatong ang sakong nito sa tuhod habang nakasandal sa sofa, ang mga mata’y punong-puno ng tensyon at iritasyon dahil sa pagpasok ni Zake. Kitang-kita sa postura ni Aiden na hindi siya komportable sa presensiya ng bisita.
Nagulat si Kierra nang biglang maramdaman ang kamay ni Zake sa balikat niya, marahan pero may diin na tila ba may gusto itong tiyakin. Inikot siya nito upang maharap siya ng buo, at ang mga mata ni Zake ay puno ng pag-aalala, para bang hindi ito mapakali hangga't hindi siya masiguradong ayos ang kalagayan ni Kierra.
"Hey---" gulat na sabi ni Kierra, ngunit hindi na niya natuloy dahil mabilis na nagsalita si Zake.
“Are you okay? Wala bang masakit sayo? I heard that you have been kidnapped, your mother said it to me. Who even the fvcking shit who kidnapped you?