Chapter 110
“H-Hindi ka ba magtatanong?” tanong ni Kierra, pilit na iniiwas ang kaba sa kanyang tono. Tahimik lang si Zake, nakatungo at nakatitig sa phone nito na tila wala man lang balak makipag-usap.
“Kumain ka muna,” tipid na sagot ni Zake nang hindi siya tiningnan.
Buo ang boses nito, pero may halong lamig na lalong nagpatindi sa kaba sa dibdib ni Kierra. Kinagat niya ang labi, pilit na pinigil ang pagragasa ng kanyang emosyon. Wala man siyang kasiguraduhan kung ano ang iniisip nito, pero ramdam niyang may malalim itong tinatago o ano, hindi niya maintindihan, pero talagang subrang kinakabahan siya.
Tahimik niyang tinignan ang pagkain sa harap niya, saka dahan-dahang tinapos iyon kahit pa parang wala na siyang panlasa. Pagkatapos, agad siyang tumayo para ayusin ang lamesa, naghahanap ng kahit anong bagay na maaaring pagtuunan ng pansin para lang hindi maramdaman ang bigat sa paligid nila.
Pagkatapos ay natigilan siya. Nakatayo lang siya sa gilid, hindi alam kung uupo ba siyang mu