Search
Library
Home / All / Nights with an Incubus / Special Chapter 01

Special Chapter 01

Author: naughtyjackyy
2021-04-30 19:19:27

UNTI-UNTING pumasok sa aking tainga ang sipol ng hangin mula sa labas kasabay ng marahang pagmulat ng aking mga mata. Nang una ay wala akong maaninag dahil sa labo ng aking paningin, pero nang masanay ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng isang silid na kung saan sa gitna ng kisame ay nakasabit ang isang magarang gintong aranya na pinalamutian ng diyamante’t iba pang mamahaling bato. Marahan akong bumangon mula sa aking kinahihigaang puting malambot na kama at tinungo ang tanging kagamitan sa kuwarto—ang isang aparador na yari sa kahoy. Pagbukas ko nito ay bumungad sa akin ang isang malaking salamin at mga nakahilerang puting bestida.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ko mapigilang humanga sa aking sariling wangis—aking totoong wangis. Kulay kape at maalon na buhok, mala-kastanyas na kulay ng mga mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi, at isang pares ng puting pakpak. Bagay na bagay sa akin ang suot kong puting bestida

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP