Masaya si Francesca at galak na galak nang halos libutin nila ng pamamasyal ang kabuuan ng isla. Marami siyang masasayang naranasan kasama ang kaibigan. Sa loob ng isang linggo ay marami na silang napasyalan. Gaya ng nasa listahan ay ginawa nila ang mga kapana-panabik na mga bagay na hindi niya kailanman nasubukan.
Sa ikalawang linggo ng pamamalagi nila roon ay nagsimula na siyang makaramdam nang kakaiba sa kaniyang sarili. Sapagkat magaan naman ang kaniyang pakiramdam nitong nagdaang linggo at nagagawa naman niya nang maayos ang ilang bagay kasama si Danica. Inisip na lamang ni Francesca na maaring epekto lamang iyon nang sobrang kalungkutan nitong nagdaan at sobra namang kaligayahan sa lahat ng kanilang mga ginawa sa isla nitong nagdaang linggo.
Ginawa niyang normal ang bawat araw kahit minsan ay hindi na niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Ngunit imbes na mangamba, binalewala niya ang lahat. Hanggang sa isang umaga, pagkagising niya. Nakaramdam na lamang siya nang sobr