LOGINNang puntahan ni Francesca ang social event para sana sa presensya ng kaniyang may sakit na lolo at ama niyang nasa States ay nakita niya ang fiancé niyang may kasamang iba. Nang sugurin niya ang mga ito ay ipinahiya siya na isa lamang siyang panget na matabang babae. Biglang lumapit ang kilalang heartthrob ng senado na si Sen. Javier at tinulungan siya. Ipinakilala siya nitong fiancée sa harap ng lahat. Natakpan ang tsismis na isa itong bakla matapos nilang maikasal. Nang magpa-sexy siya ay hindi inaasahang masira ng senador ang nasa kontratang kanilang napag-usapan. Paano kung lumalim na ang nararamdaman nila sa isa't isa? May pag-asa pa kaya lalo pa't aksidente niyang nalaman na ninong niya ito at ang taong naging dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ina at kapatid?
View More“BRO, HOW ARE YOU?”
Napalingon si Sen. Javier sa pinagmulan ng boses. Lumapit ang dalawa niyang barkadang sina Benny at Michael. Javier gave them a toast. Ang dalawang ito lang ang malalapit niyang kaibigan since college days. “Guess about the rumors we heard?!” Napabuntong-hininga siya. “Yeah, iyan rin ang panunukso sa ’kin ng ka-batchmates ko nitong reunion namin,” malamig niyang sagot. “So, ano ang balak mo sa issue’ng iyan?” concerned na tanong ni Benny. Natahimik siya at napasandal na lamang. “Alright, we have a dare. Make sure na gagawin mo ito. Just to shut the rumors.” He smirked. Ano na naman kayang kalokohan ang pumasok sa isipan ng mga ito? “Hanap ka ng babaeng fit sa panlasa mo ngayong gabi rito sa party. Ano game?” Napailing siya. Hindi niya type ang mga babaeng mayayaman. Ang totoo, simula nang mawala sa buhay niya ang kaniyang highschool sweetheart ay nawalan na siya ng ganang umibig pang muli. Maraming babaeng nagtangkang lumapit at lumandi sa kaniya subalit siya na mismo ang kusang lumalayo. Wala siyang panahon sa mga ito. But deep inside, napaisip siya. What if subukan niya? Paano kung magpatuloy ang panunukso at pagtsismis sa kaniyang bakla siya? Baka sa susunod na taon na mag-declare uli ng reunion, siya na naman ang pag-usapan ng lahat? Panira talaga sa imahe ang issue’ng iyon. “Ano, game? That's the only thing you can do for now. Isipin mo ang edad mong 42. Kahit na sino mapapaisip na gay ka dahil hanggang ngayon wala ka pa ring asawa at anak,” wika naman ni Michael. Tiningnan niya ito nang masama. Paulit-ulit na lamang niyang naririnig ang mga katagang iyon. Sabagay, wala namang masama kung susubukan niya ang suhestiyon ng mga kaibigan. Baka nga makatulong pa iyon. Isa pa, for now lang naman hangga't mainit pa ang issue tungkol sa kaniya. Pwede naman siyang makipaghiwalay pagdating ng araw kapag lumamig-lamig na ang issue. Makakasira kasi ang tsismis na iyon sa image niya bilang senador ng bansa lalo pa't election na sa susunod na taon. Nilibot niya ng tingin ang paligid. “Yown!” Nag-apiran ang dalawa. Huminga siya nang malalim. “So ganito, kung sino man ang unang babaeng tumingin sa ‘yo ngayon rito sa party ay liligawan mo’t pakakasalan. Dare?” “Kasal agad?” kunut-noo niyang protesta. “Siyempre, para tigilan ka nila kaagad,” mahinahong wika ni Benny. He sighed and cleared his throat. Tumango siya bilang tugon. Ngumiti naman ang mga ito. ***** ISANG MALAPAD na red carpet ang bumungad kay Francesca nang pasukin niya ang entrance ng isang luxurious hotel. Ginaganap ng mga oras na iyon ang isang social event. Pinasadahan niya ng tingin ang malawak na bulwagan. Gaya ng nakasanayan, taun-taon ginaganap ang event na iyon para sa ugnayan ng mga mayayamang businessman sa industriya at mga kilalang bigating pulitiko. Pumunta siya roon para sa presensya ng kaniyang lolo na dating Presidente ng bansa at sa amang nasa States sa ngayon. Napatingin siya sa gawi ng fiancé niyang si Lucas na nakangiti habang kinakamayan ang ilang mga bisitang naroon. Natuon ang paningin niya sa pamilyar na babaeng katabi nito na animo'y linta kung makadikit. Habang hawak-hawak naman nito sa braso ang fiancé niya. Tila kumulong bigla ang kaniyang dugo sa kaniyang nakita. Kasabay niyon ay ang pagdaan naman ng waiter sa gilid niya. ‘Cheater..’ Mabilis niyang dinampot sa tray ang wine glass na may lamang alak. Nilagok niya ang kalahati niyon at walang anu-anong naglakad siya palapit sa mga ito. Nang makalapit ay lakas-loob niyang binuhusan ng wine ang dress ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Selina sa ginawa niya. She crossed her arms habang sarkastiko niya itong nginitian. Matalim naman ang naging tingin sa kaniya ni Lucas. “Francesca, don't make a scene here,” mariin ngunit pabulong nitong wika. Nasaktan siya ng hawakan siya nang mahigpit ni Lucas sa braso dahilan para maagaw ang atensyon ng ibang panauhin roon. “Babe, bitiwan mo ‘ko nasasaktan ako. Ano ba?!” “Talaga bang gusto mong gumawa ng eskandalo rito?” Nanlilisik ang mga mata nito. “Bakit? Nahihiya ka ba na malaman ng lahat kung gaano ka katraydor at manloloko? Kay Selina pa talaga!” Hindi niya napaghandaan ang ginawang pagtulak sa kaniya ni Selina dahilan para matumba siya at mapaupo sa sahig. Napangiwi siya sabay ng pagkuyom ng kamao. Tinitigan niya ito nang masama. Ngumisi lamang ito. “Oh, Ms. Barcelona. Hindi ko inaasahan na ganyan ka ka-confident. Well, I thought you two had broken up already.” Lumapit sa kaniya si Selina na nakangiti. Hindi niya inalis ang masamang tingin rito. Pakiramdam niya ay siya tuloy ang nagmumukhang talunan sa harap ng mga ito. Pinilit niyang tumayo ngunit nabali ang heels ng sandals niya. “I've told you, na huwag kang mag-eskandalo,” ani Lucas. “Look at you, don't you see yourself? A big, fat woman. Nagtataka nga ako kung paano ka naging fiancée ni Lucas. Sa pangit at taba mong iyan, I don't know if there's someone na magkakagusto sa ‘yo. Nakakadiri ka.” Naglakad si Selina at kumuha ng wine at dahan-dahan siyang binuhusan sa damit. Napatingin siya sa paligid. Narinig niya ang ilang tawanan at mapanghusgang tingin ng ilang mga guest sa party. Nangingilid na ang luha niya sa kahihiyan nang dumako ang paningin niya sa papalapit na gwapo at matipunong lalaki. ‘Senator..’ Lumakas ang kabog sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. “Are you okay, honey?” tanong nito sa malambing na boses. ‘Ano raw? Honey?’ Teka, paano siya nito naging honey? ‘Lakas yata ng tama nito..’ Lihim siyang napangiti. Napalitan ng kung anong kilig ang kanina’y kahihiyan. “Hmm,” tugon niya. Nagulat siya nang buhatin siya nito. Papalag pa sana siya nang maamoy ang pabango nitong tila nakakaadik. Humarap at tumingin ito nang masama sa dalawa. “Ahm, Sen. Javier.. Let me explain,” natatarantang saad ni Selina. “Don't you dare touch my woman! One more finger, and you will regret,” husky ang boses na wika ng senator. Parehong natigilan ang dalawa nang muli itong magsalita. “Everyone, I wanted to reveal my secret long time girlfriend and now my fiancée. Whoever tries to lay a finger on her will cost a life,” diniinan pa nito ang huling katagang binanggit. Pagkuwa'y tumalikod na ito at naglakad palayo habang buhat-buhat siya.Nasasabik niyang binuksan ang pintuan ng kwarto. Naroroon na si Francesca, ngunit tulog pa rin ito. Naupo siya sa bedside chair. Hindi niya napigilan ang hawakan at halikan si Francesca sa kamay nito. “I love you..” anas niya na nagpagising kay Francesca. Maya-maya pa’y may nurse na pumasok. Karga na nito ang kanilang baby. Nakangiti siyang napatingin kay Francesca. Muli niyang hinalikan ang kamay ng asawa. Kaagad namang tinangggap ng kaniyang mother-in-law ang sanggol mula sa nurse. Maliwanag ang mukha nitong lumapit sa kanila.“Look at this cute baby..” malumanay ngunit nasasabik na wika ni Natasha. Dahan-dahan nitong ipinasa sa kaniya ang sanggol. Kabado pa siya nitong una, natatakot na baka mabalian ng buto. Hanggang sa naihiga nito ng maayos ang sanggol sa kaniyang mga bisig. Hindi na naalis ang maluwang niyang ngiti habang pinagmamasdan ang munting anghel. Marahan niyang hinaplos ang malambot na balat ng anak. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan ito sa maliit nitong k
Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan hanggang sa malapit na siyang manganak. Hindi siya natatakot dahil marami naman ang sumusuporta at tumutulong sa kaniya. Kung noon malakas ang loob niya kahit pa hindi madali ang magsilang ng sanggol. Ngayon mas lalong dumoble ang kaniyang tapang dahil sa tulong ng mga mahal niya sa buhay. Hindi lamang kasi siya ang mag-isang lumalaban, sapagkat marami sila.Isang umaga sa may veranda..“Hon, kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihirapan?” Huminga siya nang malalim at bahagyang napangiwi nang umayos ng upo sa rattan chair. “Okay naman ako. Sadyang medyo malikot lang itong bunso mo..” pagbibiro niya. Napangiti si Javier. “Kanino pa ba magmamana iyan?” pagsakay nito sa kaniyang biro.“Kanino pa, e ‘di sa ‘yo..” paikot ang mata niyang tugon. Lumuwang ang ngiti nito. Bahagya siya nitong pinasandal sa katawan at maingat na hinaplos ang braso. “Anong ipapangalan natin diyan sa baby girl natin?” maya-maya'y muli nitong tanong. Napasinghap si
Masayang sinalubong ni Francesca sa main door ang kaniyang asawang si Javier. Mahigit dalawang linggo rin itong nawala. Maiksi lamang iyon, pero sa kaniya ay tila isa na iyung taon. Labis niyang ikinaligaya ang muli nitong pagbabalik. “Hon..” usal niya nang makalapit. Mainit na yakap ang kaniyang isinalubong rito. “Do you miss me?” Kaagad naman siyang hinalikan ni Javier sa mga labi at saka niyakap nang mahigpit. “I missed you so much,” malambing niyang tugon. Kaagad na kinarga ni Javier si Lewis nang patakbo itong sumampa sa ama. Maluwang ang ngiti ni Javier habang hinahalik-halikan sa ulo ang anak. “Daddy, why did you take so long? I really missed you..” Pakiramdam niya ay nabiyak ang puso niya nang marinig ang pagsusumamo ng anak. “Don’t worry, daddy won't leave you again..” “Promise?” Itinaas pa ni Lewis ang palad. “Yeah, promise..” Muling naglabasan ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ng anak matapos ngumiti. “Kumain ka na, ipinagluto kita ng paborito
Nang kukunin na ni Rod ang bagay na iyon sa kaniyang kamay kaagad siyang umatras at umiwas. Ngunit ang malakas na suntok nito ay hindi niya napigilan at tumama sa kaniyang mukha. Kaagad niya itong naitulak nang muli siya nitong pagtangkaan. Tumama ang likod nito sa kanto ng mesa, dahilan para mamilipit ito sa sakit. Dumilim ang mukha ni Rod at mas lalong uminit ang dugo sa kaniya nang muli itong humarap. Sa pagkakataong iyon, tumakbo ito sa drawer at nagmamadaling kinuha ang baril. Kinabahan siya dahil wala pa naman siyang dalang baril nang mga oras na iyon. Naiwan niya iyon sa kotse. Tanging recorder lamang ang kaniyang nadala. Bago pa man maitutok sa kaniya ni Rod ang baril. Napalingon silang pareho sa kumalabog na pintuan. Iniluwa nito ang mga FBI. Nanlaki ang mga mata ni Rod. Hindi siya nakapaghanda nang hatakin siya ng lalaki at tutukan ng baril sa kaniyang ulo. Naitaas niyang bigla ang kaniyang mga kamay. “Put your gun down!” sigaw ng isa sa mga ito. Napaatras siya kasaba
“Aminin mo man o hindi, Uncle Rod. Alam ko na ang lahat ng tungkol sa ‘yo, maging sa anak mo. At hindi mo ako masisindak kahit anong gawin mong pananakot,” matapang niyang saad. Napasinghap ito. “Talagang matalino ka, Ricardo. Pero hindi sapat ang katalinuhan mo, dahil hindi lahat ng bagay tungkol sa ‘kin ay alam mo.” Nagsalubong ang kaniyang kilay sa mga hindi mawaring salita na patuloy na ipinahihiwatig nito.“Ngayong wala ka na sa gobyerno, mas mapapadali ko na ang lahat ng binabalak ko sa ‘yo at sa pamilya mo. Sayang lang, at palaging pumapalpak noon si Dionisio sa mga utos ko.” Napakunot ang kaniyang noo. Iniintindi ang bawat salitang namutawi sa bibig nito. “Kilala mo si Dionisio?” Tumawa si Rod at naiiling na napatakla. “Ricardo, Ricardo. Mahina ka ring kagaya niya. Bakit hindi kayo nangangalahati sa kakayahan ko?” Nagsimula nang manginig ang kaniyang kamao na tila ba gustong magpakawala ng suntok. “Sa tingin mo, ang lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay n'yo, kaninon
Sinuyod niya ang buong CCTV footage ng lahat ng departamento mula nang araw na tumuntong ng kompanya ang kaniyang tiyuhin. Pinagtiyagaan niya iyon sa loob ng halos tatlong araw upang mapatunayan niya ang lahat ng kaniyang paghihinala. At sa huli, nang gabi ring iyon, sa loob mismo ng kompanya. Nasagot ang katanungan, matapos ang pasikretong pagmamasid. Sa sumunod na araw, natanggap niya ang mensahe mula kay Laviña. Napag-alaman niyang hindi pa nakababalik ng Pinas si Rod. Isang linggo na raw’ng nananatili sa Las Vegas ang kaniyang tiyuhin. Halos araw-araw raw ito roon sa casino para maglustay ng pera. Pinasundan niya si Rod at pinaimbestigahan. Hanggang sa nalaman niyang may mga galamay pala ang kaniyang tiyuhin na nagtatrabaho sa loob mismo ng kompanya. Ang mga spy, thief at hacker na nakapasok bago pa man makarating ng States si Rod. Ang mga tauhan nito, na naging daan sa ginawang pagnanakaw ng lalaki sa perang pinaghirapan ng mga tao sa kompanya. Planado ang lahat at malinis a






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments